yong Kadakilaan ang katuusang maaaring hingin sa inyo ng Kamaharlikaan ng Diyos dahil sa pagkakapabaya ninyo sa mga karapatan niya; isaalang-alang ng Inyong Kadakilaan, hindi sa iyo,
kundi sa akin; sinabi ng Diyos kay Samuel, hindi sa Tao kundi sa
Diyos nauukol ang pag-alimura.
Ang Arsobispo na kinilabutan, dahil sa talumpating ito ay nagyuko ng ulo at nagdaop ng mga kamay sa anyong nagmamakaawa.
— Ano ang nararapat kong gawin?—ang hibik ng butihing arsobispo.
— Iyong sinasabi namin sa inyo, ang tugon ng Probisor na sumuntok sa mesa nararapat hinging, nang buong lakas ng Inyong Kadakilaan sa Gubernador na ipabalik nito ang bilanggo sa pinagtaguan, sa ilalim ng parusang eskomunyon latae sentenciae, (naigawad na) gumawa ng pagsisisi at magpahayag....
— Datapuwa't hindi ba ninyo namamalas — ang sagot ng arsobispo —na hindi gagawin ng gubernador ang anumang sabihin sa kanya, na walang halaga sa kanya, ang mga pagbabala?
— Tutoo, kung ang mga bala ay hindi tinutupad!
— Ano, mangangahas ba siyang sumalansang sa mga lintik ng Iglesiya?
— Hindi niya kinatatakutan ang mga iyon —sabi ng arsobispo —sapagka't nasa kanyang panig ang mga hesuwita na kumampi sa atin, tumulong sa iglesiya. Ang Inyong Kadakilaan ang siyang arsobispo at may mga sapat kayong kapangyarihan upang sila'y pilitin.
—Ang mga hesuwita ay dapat gumawa ng ginagawa ng apat na Korporasyon ng mga prayle ang dugtong ng Probinsiyal hindi sila makapangangahas kailanman na kumalaban sa atin.
Ang abang matanda'y umiling.
— Walang kinatatakutan ang mga hesuwita; hindi ba't sila'y tumuligsa sa lahat hinggil sa suliranin ng bilangguan sa Sambuwanga? Ano ang napala ng mga prayle sa pagbaka sa kanila, ano ang nagawa nila sa pagsira sa tungkuling iyon, sa pagsusulsol sa di kasiyahan ng mga indiyong ang buwis ay dinagdagan upang matustusan ang nabanggit na bilangguan? Wala, patuloy, ang bilangguan, sa mga kaaway nila! ah! ang mga hesuwita ay mga tuso.
193