pagkakatambad sa inyong mga mata ng inyong kaabaan ay iyuko
ninyong lalong masunurin ang inyong leeg sa pamatok at nang
kayo'y maturuan sa pagiging alipin. Binata, hindi inyo, ang kasalanan, sa inyo ay may nalalabi pang kahit kaunti: ang pag-ibig
sa tahanan ng inyong mga magulang.
At sa pamamagitan ng pinatamis na himig ng tinig ay nagpatuloy ang matanda:
—Sumalo kayo sa hapunan namin ngayong gabi, binata; matagal nang wala ako rito at kayo'y pinasasalamatan ko sa pakiki-pagkaibigang ipinamamalas ninyo sa mga apo kong babae. Huwag kayong tumanggi, sapagka't sa dahilang nababasa ko sa mga mata ng mga apo ko na wala silang nakahanda, ay maaaring ipalagay nilang ayaw kayong makihati sa karukhaan namin.
(Iwan natin silang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay na nauukol sa angkan na maaaring mahulaan na ng bumabasa, at tumungo tayo sa Maynila, ang lunsod na panginoon ng Silanganan, mayaman at pinagpipitaganan ng mga kalapit bayan nang panahong iyon.)
Ang Kanyang Kadakilaan, si Ginoong Prayle Hernando Guerrero, ay nasa tanggapan niya, sakbibi ng lalong malaking pagkasindak dahil sa nangyari sa San Agustin.
Naroroon, upang punuin siyang lalo ng pagkalito, ang dalawang prayleng agustino, isa sa kanila'y ang Probinsiyal at ang kanyang bantog at itinatanging Probisor na si G. Pedro Monroy. Naghanda ng isang talumpati ang Probinsiyal ng mga agustino.
— Isaalang-alang ng Inyong Kadakilaan —ang wika ng Probinsiyal — ang kalapastanganang ginawa, hindi lamang sa Orden ninyo, hindi lamang sa banal na pagkukupkop ng Kumbento, na minsang pinagparaanan ninyo ng mga tahimik na oras, at ngayo'y hindi na maaari dahil sa ang banal niyang kalinisan ay ginahasa; isaalang-alang ng Inyong Kadakilaan, hindi lamang ang pagkapalibhasa sa kaligtasan ng mga maka-simbahan, haligi ng pananampalataya, batayang ng lipunan, at dahil din diya'y makapangyarihang kalangan ng daigdig, kundi rin naman ang pagkakalait sa Kamaharlikaang maka-Diyos, sa dahilang, Kadakidakilang Ginoo, ang paglait na ito'y hindi Sa Kumbento, hindi sa kaligtasang maka-simbahan; hindi sa tagapagkupkop kundi sa Diyos din; isaalang-alang ng In-
192