Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/200

From Wikisource
This page has been validated.



Ang bahay ng inyong mga magulang ay nakatayo sa pook na ngayo'y kinatatayuan ng Simbahan ng mga Agustino. Sino ba ang makapagpapaniwala niyaon kay Gad Tandul? Ang mga inapo niya'y hindi na babalik sa lupa ng mga nuno nila!

——Dahil nga po riyan ——ang pasang-ayong tugon ni Martin ——kung kaya nag-mang-aawit at nagsakristan ako sa simbahan, upang makatira man lamang sa mga pook ding iyong maluwalhating tinirhan ng aking mga ingkong.

——At ikaw pala'y isang kristiyano!

——Ang mga magulang ko'y mga kristiyano rin po; ang mga ingkong ko'y hindi nagnasa kailan, ang pabinyag.

——At upang makapanirahan sa bakuran ng inyong mga magulang ay nagmang-aawit at nagsakristan kayo; alalaong baga'y upang umawit ng mga papuri at maglingkod sa Diyos na iyong sa ngalan niya'y inagawan kayo ng inyong pamamahay; bahay at libingan sa loob ng mga dantaon ng lahat ninyong mga puno? Na ang mga abo nila'y hindi iginalang, upang itayo ang matataas na templo sila Ay, Gad Tandul!

At isang mapait na ngiti ang nungaw sa mga labi ni Kamandagan.
Nasaktan si Martin at tumugon.

——Hindi ako ang may sala; ang mga magulang ko ang may sala at yaong mga kapanahon niyang hindi natutong magtanggol ni sa tahanan ni sa kalayaan nila. Sila'y ipinanganak na malalaya samantalang ako'y kumita ng liwanag sa bayang ito at ako'y tinuruan sa pagsunod. Naglilingkod ako, tunay, datapuwa't sa Diyos ako naglilingkod at hindi sa mga tao, gaya ng ibang mga binatang mga anak din ng mga maginoo.

——May katuwiran kayo, binata ang tugon ni Kamandagang taglay ang katiningang-loob datapuwa't ang isang anak na mabait ay hindi nararapat sumisi sa kanyang mga magulang kundi magbigay lunas sa mga kamaliang ginawa o maaaring nagawa nila. Nguni't huwag kayong magdamdam, hindi rin kasalanan ninyo ang gayon. Sa mga binata ngayon, lalo na sa mga kristiyano, ay buong kadalubhasaang iniaaral sa inyo ang pagpapawalang-halaga sa nakaraan, sa inyong lahi, sa mga paniniwala't mga alamat, upang sa pagmamalas sa inyong sariling lagi nang inaaba at sa

191