ang mga pari sa dahilang magiging eskomulgado sila, at sapagka't
ang pagbubuhat ng kamay sa isang pari ay pagbubuhat ng kamay.
sa Diyos at parurusahan nang walang-hanggan. Humanap sila ng
mga pantukod at talasok, ng mga gulok at mga baril at sinandatahan kaming mga sakristan at mga taga-awit upang ipagtanggol
ang kumbento, bagay na inakala naming mapanganib at walang kasaysayan, sa dahilang hindi kami banal na gaya nila, at kami'y maaaring sibatin at barilin nang hindi sila magkakasala sa isang
anghel, ni hindi magiging eskomulgado. Kami nga'y inilagay nila
sa mga pintuan samantalang silang mga banal ay lumayo sa panganib, at ano ang nangyari? Na noong pilitin ng mga kawal na
buksan, sa pamamagitan ng lakas, ang mga pinto ay nangagtakbuhan ang mga sakristan, ako'y inabot ng isang hampas ng tagdan
ng isang sibat, sinaliksik ng mga kawal ang kumbento sa gitna ng
mga bala ng mga prayleng nagdarasal ng mga panalanging kasindak-sindak sa wikang latin at nagbababasbas, na sukat ikasindak
ng mabubuting kristiyano; datapuwa't ang mga iyo'y hindi pinansin ng mga alagad ni Satanas, gaya ng tawag sa kanila ng mga
pari. Sa gayo'y inilabas nila sa kumbento, sa pamamagitan ng lakas at dahas, ang artilyero at ibinigay ito sa heneral ng artilyeria.
— At sa palagay mo kaya'y bibitayin siya?
—Sinasabi ng mga paring hindi mangangahas ang Gubernador na gumawa ng gayon sa dahilang magiging isang paglabag sa mga karapatan ng kumbento, at dahil din doo'y magiging isang paglapastangan sa Diyos. Kagya't silang nagsadya sa Arsobispo, na alam ninyong isang agustino, upang pilitin ang Gubernador na ibalik ang bilanggo sa kumbento, bilang isang bagay na nauukol sa kanila. Ang Gubernador ay mapipilitang sumunod dahil sa takot sa arsobispo, na maaaring umeskomulga at magparusa sa kanya sa walang hanggan.
—Talaga bang makapangyarihan ang arsobispo?— ang usisa ni Maligaya.
Aba!—ang tugon ni Martin,
kung kayo'y mga kristiyano, ay hindi ninyo itatanong iyan sa akin; sinasabi ng mga pari na ang arsobispo natin ngayon ay gumagawa na ng mga himala nang siya'y nasa kumbento pa at isang karaniwang prayle. lamang; lalo na ngayong siya'y arsobispo na nagsusuot ng mitra, iyong sambalilong malaki at tulis na may mga perlas at brilyante; kung nais niya ay napabababa ang Diyos, napasisikat ang araw.