Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/195

From Wikisource
This page has been validated.


—Pinilit siya ng Arsobispo na pakasalan iyon o kaya'y ipagbili sa iba; ninais niyang pakasalan, datapuwa't minabuti ng aliping babae, na hindi na makatiis sa kanya, na siya'y ipagbili kaysa pakasal sa dating nananakit sa kanya.

—Eh ano? Ano ang nangyari?

—Natagpuan ang aliping babae ng artilyero kaninang hapon sa daang real ng palasyo at pinatay siya sa saksak.

Nanginig si Maligaya.

—At pagkatapos, ang artilyero'y nagtago sa simbahan namin upang makaligtas sa katarungan. Nababatid ninyo na sa mga kristiyano, ang salaring nagkasala ng lalong mabigat na kasalanan, minsang makapagtago sa simbahan ay hindi na siya maaabot ng katarungan. Sa dahilang iyan, maraming pumipili sa mga paligid-ligid ng mga simbahan upang gumawa ng kasalanan at sinasabing ang artilyerong ito ay pumili sa simbahan namin para sa paggawa ng kasalanan iyon. Walang bagay na lalo pang banal kaysa sa isang simbahan, at ang simbahan ng San Agustin ay isa sa lalong banal, gayong sinasabing ang pook na kinatatayuan ng simbahan ay pinag-aalagaan ng mga baboy ng aking mga magulang, sa dahilang ang bahay namin ay dating nakatayo sa pook na kinaroroonan ngayon ng sakristiya.

At nagbuntung-hininga si Martin at ngumiti.

—At bakit sinasabi mong siya'y bibitayin kung ang simbahan ay banal.

—Iyan nga ang dahilan ng alingasngas, kaya ginabi ako ng pagparito. Ang Gubernador, na ayon sa mga pari, ay bahagya lamang ang pagka-kristiyano sanhi sa nahawa sa mga kasamaan ng mga erehe są Flandes, bansa ng mga kaaway na olandes, ay nag-utos na kubkubin ang kumbento at simbahan nang walang pahihintulutang makalabas; sa palagay ng mga pari ang utos na iyon ay hindi lamang isang kawalang pitagan kundi isang maliwanag na katampalasanan laban sa Diyos.

—At ano ang nangyari?

—Na ako'y hindi makalabas. Nang una'y nagtangkang lumaban ang mga pari at hindi nawalan ng nagmungkahing ipagtang gol, sa pamamagitan ng sandata, ang mga pinto, at sinasabi pa nilang hindi mangangahas ang mga kawal na salangin man lamang

186