Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/193

From Wikisource
This page has been proofread.

—Kailangan ko bang sabihin sa iyo ang lahat ng iniisip ko?
—ang tanong niyang matamang tinititigan ang kapatid.

—At ano ang iniisip mo?

—Na mabuti na sa ating maniwala sa mga sinasabi ng mga
paring puti. Isang kakila-kilabot na kasalanan ang pagbibigay ng
buhay sa mga taong nalalaman nating magiging sawimpalad na
alipin. Datapuwa't, iwan natin ang ganitong mga suliranin at ta-
yo na ng magdilig ng mga bulaklak natin.

—Hindi kailangan, —ang tugon ni Maligaya na lumingon sa
dako ng halamanan, —umuulan na.

Tiniklop ni Sinag-tala ang binuburdahan niya at nagsimulang
mag-ayos ng bahay.

Samantala'y dumirilim na, ang batingaw sa Simbahan ng Ma-
alat ay tumugtog ng orasyon. Nang marinig ito ni Sinag-tala, ay
itinigil ang mga ginagawa at nagdasal ng itinuro sa kanya ng ina
niya, samantalang sinisindihan ni Maligaya ang mga ilaw. Sa-
mantala'y hindi dumarating ang matandang utusan.

—Hindi na darating si Martin, ani Maligayang binitiwan
ang gitara.

—Narito't dumarating na; pakinggan mo ang mga yabag niya.

Sa katotohana'y naulinigan nga ang mga hakbang na hindi mag-
kakaparis, na lalong lumalakas habang nalalapit; yaon nga ang
mga yabag ni Martin na umiika nang kaunti. Pumanhik ito sa
hagdanan sa batalan, pagkatapos ay narinig ang buhos ng tubig,
sa dahilang si Martin, gaya ng lahat ng mga indiyo nang pana-
hong iyon, ay hindi pumapasok sa alinmang bahay nang hindi nag-
huhugas muna ng paa; at dahil sa bagay na ito'y lagi nang may
tubig na nakahanda sa pasukan ng mga bahay.

Sinalubong siya upang patuluyin ni Maligaya.

IV

Si Martin ay isang binatang may dalawampu hanggang dala-
wampu't dalawang taong gulang, payat at patpatin ang katawan,
may pagmumukhang kawili-wili at kaakit-akit, na tinatakan ng
isang ngiting malungkot at matiisin. Mapaglingkod, mahinahon at

184