tungkuling nagtutulot sa kanilang makapamuhay sa gugol ng iba,
mababang-loob sa mga kastila at mapaghari-harian sa mga kaba-
yan nila; ano ang nalalabi sa dating pagkamaginoo nila?
Itinungo ni Maligaya ang ulo at hindi sumagot.
—Sa tapatang sabi, - ang patuloy ni Sinag-tala sa himig
na lalong malungkot, minamabuti ko pang mamatay na dalaga.
kaysa pakasal at iasa ang aking kapalaran sa mga kamay ng isang
alipin.
—At kung mamatay ka, ang tanong ni Maligaya - sino
ang aakay sa iyo upang makaraan ka sa makitid na tulay na pa-
tungo sa kaluwalhatian? Sinasabi ni Katipunlang iyon ang siyang
kapalaran ng mga namamatay na dalaga, sa dahilang hindi sila
pinakinabangan ng daigdig, sa anumang bagay. Ang babae - an-
ya ay isang bulaklak na hindi nararapat maging baog bagkus
nararapat magbigay ng bunga!
—Oo, iyon ang iniaaral ng ating dating pananampalataya, da-
tapuwa't lalong minamabuti ng mga Paring puti ang kabanalan
ng kalinisan sa kabaitan ng pagiging ina. Kaya nga, pinupuri ni-
lang lagi ang mga dalagang nangagkukulong sa kumbentong iyon
sa Maynila, na tinatawag na Santa Clara!
—Iyon ba ang sinasabi nila? —ang namamanghang tanong
ni Maligaya.
—Siyang tunay, sang-ayon sa kanila ay halos isang kasalanan
ang manganak. Tila ang Diyos nila'y lumikha ng lalaki at ng
babae upang maghabulan lamang sa isang marikit na halamanang
tinatawag na paraiso. Datapuwa't tinukso sila ng demonyo upang
magkasala at ipinanganak ang tao.
—Kung gayo'y ipinanganak ang mga tao sa kagagawan ng
demonyo at hindi ng Diyos?
—Marahil, ayon sa kanila.
—Napakakakatwa naman iyon! At sino ang paniniwalaan mo,
si Katipunla ba o ang mga pari?
—Ano ba ang malay ko? Datapuwa......
—Datapuwa't ano?