Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/191

From Wikisource
This page has been proofread.

Sa gayon, si Sinag-tala naman ang nabalisa at pormal na su-
magot:

—Bakit ka ba tumatawa nang ganyan?

—Dahil sa sinabi mong ako'y maging kristiyano upang mapa-
kasal ako kay Martin, sa kahabag-habag na si Martin!

At ang malupit na dalaga'y nagsimulang gumaya sa lakad at
mga gawing pagka-kaliwete ng sawimpalad na nangingibig.

—Kung hindi mo siya iniibig, —ang walang birong tugon ni
Sinag-tala bakit hindi mo sabihin sa kanya nang talampakan
ang gayon?

—Sinabi ko na sa kanya; datapuwa't ano ang magagawa ko
kung siya'y nagmamatigas ng ulo sa pagparito?
Sa dahilang binibigyan mo siya ng pag-asa, napatuturo ka
ng gitara, kinakausap mo siya, tinatanong mo siya ng maraming
bagay tungkol sa buhay niya, sa simbahan niya, sa mga bagay-
bagay tungkol sa mga banal, na para bang kinasasabikan mo ang
lahat ng nauukol sa kanya o kaya'y nais mong maging kristiyano
upang mapakasal ka, balang araw, sa isang kristiyano, na inaakala
niyang siya nga.

—Ikinalulungkot ko nga iyon —ang tugon ni Maligayang nag-
iisip-isip —datapuwa't ano ang magagawa ko? Wala akong ta-
pang upang tularan ka; labis kong dinaramdam ang magmalupit
sa mga taong nagmamahal sa akin...... iya'y hindi ko maaaring
lunasan; at hindi ako makapagsasabi kay Martin ng mga parunggit,
gaya ng mga sinabi mo sa mga binatang nakikipag-usap sa iyo
kahapon sa halamanan.

—Sinu-sino? Iyon bang mga tagasulat at mga utusang nagli-
lingkod sa mga palasyo sa Maynila?

—Sila'y mga anak ng mga maginoo.

—Lalo pang masama kung gayon! Ang kanilang karangala'y
ibinabang parang alipin, at hindi nakukutya ni napopoot kapag
sila'y naglilingkod na parang mga utusan sa pook ding iyon na
ang mga naging panginoon ay mga magulang nila. Sila ba? Na
walang ibang hangarin kundi ang nahahabag na ngiti ng pangino-
ong kastila, walang ibang kaligayahan maliban sa isang gawain o

182