—Wala po niyan, Padre.
—Ano bang wala? Sino ang matandang lalaking ito?
Ipinaliwanag, nang magkagayon, ng binata na doo'y walang ibang ginawa maliban sa paglilibing ng isang bangkay ng isang taong sinasabing si Prinsipe Tagulima.
Sinuri ng misyonero ang libingan, na sa tabi'y patuloy na nakaupo ang matandang Kachil, hindi tumitinag na para bagang walang anumang nangyayari sa piling niya.
Ang misyonero, sa gayon, upang maipakilala ang katotohanan ng kanyang kabutihang Kristiyano at ang katapangan ng kanyang pananampalataya sa mga matang di-binyagan ay nagsimulang kumalkal, sa pamamagitan ng paa, ng sariwang libingang kanyang niyurakan at taglay ang paglibak na isinabog ang lupa.
Itinaas ng matandang Kachil ang kanyang ulo, isang mabangis. na anyo ang nagpangunot sa pagmumukha niya, sa mga mata'y nungaw ang mga lintik, tumindig at dumaluhong sa binatang nobisyo. upang ito'y sakalin. Napasigaw ang misyonero.
Sandali silang naglaban. Kapuwa nagumon sa lupa. Sa gayon, ang binata'y nagtangkang mamagitan upang ipagtanggol ang pari, datapuwa't ang gayo'y wala nang kabuluhan; ginamit ng matandang Kachil sa paglalabang iyon ang lahat ng nalalabi niyang lakas. Ang paring bata ay nakaramdam na nanghihina ang mga bisig ng kaaway, umigtad siya upang makakawala sa mga iyon, nagbangon at buong panghihilakbot na namalas niyang sa kanyang paanan ay may isang bangkay na dilat ang mga mata at nakatikom ng mga daliri.
Nagkurus siya at tumatakbong lumayo sa pook na iyon, na ipinalalagay niyang sinumpa. Sinundan siya ng binata.
Sa sandaling iyon ay nagkukubli na ang araw at nagsisimulang pumatak ang ulan.
Kinagabihan, sa kolehiyo ng Nobisiyado ay ipinaliliwanag ang pangyayari sa isang paraang makababalaghan. Ang paring si Pedro de S. . . ay nakasumpong sa ingkantadong batong-buhay ng Malapad na Bato ng mga di-binyagang sumasamba kay Satanas. Ang demonyong humarap sa kanya na nag-anyong isang