matandang lalaking mahal ang kasuotan ay naitaboy niya sa pamamagitan ng tanda ng kurus; at isang saserdote, na ang buhay
ay iniingatan ng diyablo, ay biglang namatay sa pagkadaiti sa sotana ng pari. Na ang matandang lalaking iyong nawala, na parang isang kababalaghan ay hindi mapag-aalinlanganang siyang
diyablo; mahal ang suot niyang damit, walang nakakikilala sa
kanya roon, walang nakakita sa kanya bago nangyari iyon, at sa
ibabaw ng lahat ay nagbibigay ng mga tugong maaaring manggaling lamang sa matalinong diwa ng mga karimlan. Ang pangyayari'y pinag-ukulan ng maraming kuru-kuro, itinala ng mga mananalaysay sa kanilang mga sulat-kamay nang gabi ring iyon.
Tingnan natin ngayon kung ang matandang lalaking nawala ay tutoo ngang isang diyablo.
171