galit, sa hinalang doo'y may ginagawang pagsamba sa mga anito.
Nang panahong iyon ay may mga hesuwita at maraming mag-
aaral na mga nobisyo sa malapit sa Kolehiyo ng Nobisiyado na nasa
Buenavista, San Pedro Makati o San Pedro ng mga Bundok (San
Pedro de los Montes'') gaya ng tawag noon.
Ang binatang kristiyano'y namutla nang mamalas ang hesu-
wita, ang mga tagapaglibing ay humanda sa pag-alis, datapuwa't
sila'y tumigil nang mamalas na ang matanda'y nagpaunang naka-
halukipkip ang mga bisig. Tumigil ang hesuwita at sila'y nagtiti-
gan buhat sa paa hanggang ulo.
Natanto ng hesuwita na ang kaharap niya'y hindi katulad ng
mga taong pinakikitunguhan niya sa araw-araw; yaon ang kauna-
unahang pagkakamalas niya sa matandang iyon, na ang anyo'y na-
kapanaig sa kanya kahit hindi niya nais na magkagayon.
—Ano ang ikinaparito ninyo, ginoo? —ang tanong ng ma-
tanda sa isang tinig na matatag at banayad sa wikang tagalog, sa-
pagka't siya ang unang nagsalita:
—Ang relihiyon ng Kaisa-isang Diyos.—ang tugon ng he-
suwitang humanda upang dumukot ng isang krus.—At kayo na-
man, bakit kayo naririto? —ang tanong naman niya.
—Ang kaisa-isang Diyos din, ang dakilang Maykapal! —ang
sagot ng matanda.
Sa pagkasambitla ng ngalang ito'y nagngalit ang hesuwita at
nagising ang bulag na pananampalataya ng misyonero.
—Maykapal, Maykapal! —ang ulit niya —kayo pala'y pu-
marito upang sumamba sa inyong Diyos! Maykapal, ang ngalang
iyan ay sa isang Diyos na hindi tutoo; iyan ay hindi ngalan ng
tunay na Diyos.
At siya'y lumingus-lingos sa lahat ng dako na parang nagha-
hanap ng mga labing alay ng di-binyagan.
—Binata —anang matanda bilang pampalubag-loob sa kanya
—huwag mangahas ang tao sa pagbibigay ng ngalan sa Dakilang
Lumalang na iyon. . . Tinatawag namin siyang Lumikha, at ang
Lumikha ng lahat ng bagay ay hindi maaaring maging Diyos na
hindi tutoo.