Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/176

From Wikisource
This page has been proofread.

Ang matandang Kachil ay humudyat sa mga lalaki at ibinaba
ng mga ito ang bangkay sa hukay.

—Hintay kayo! —ani Kachil Ampara. Dumampot ito ng
ilang dahong tuyo na maaabot niya at sinimulang ihagis sa buhay
sa ibabaw ng bangkay, samantalang nagsasalita sa iisang himig
na tinig.

—Ibigay mo sa iyong ama, sa ngalan ko, ang mga bulaklak
na ito, oh Tagulima: hindi ang mga ito ang aking ipinadala sa
kanya nang ikaw ay isilang upang ibalita ang kanyang kaligaya-
han! Ito'y ibang mga bulaklak, mga bulaklak ito ng Pilipinas!
Mababatid niya kung ano ang kahulugan nila —Ngayon, salam!4
Huwag kang humingi sa ibabaw ng iyong libingan ng mga sandata
na mga naagaw sa digmaan . . . gaya ng buwang nagtatago sa
gitna ng gabi kapag ang lahat ay nahihimbing sa katahimikan wa-
lang buntung-hininga ang nananambitan sa paglubog niya, walang
tumatangis sa liwanag niyang lumalamlam . . . Tagulima, salam!
salam!''

At ang Kachil na rin, na ang mga kamay ay nanginginig ay
siyang nagsimulang magbudbod ng lupa sa ibabaw ng bangkay.

Sa sandaling ang iba'y gumayak na sa pagtatabon sa puntod,
ang matipunong matanda, na hanggan noon ay patuloy sa pagninilay-
nilay, ay humakbang sa gilid ng libingan, hinubad ang kuwintas na
yari sa tiniping ginto at inihulog ito sa hukay na nagsasaad sa ma-
hinang tinig:

—Ingatan nawa ng espiritung naninirahan sa batong-buhay
na ito ang iyong libingan; dalhin nawa ng Maykapal ang anino mo
sa pook na kinaroroonan ng iyong mga magulang upang buhat doo'y
pagsumakitan mo ang kapalaran ng bayan ninyo, sa paraang lalo
pang mabuti kaysa noong kayo'y nabubuhay sa lupa!

At pagkasabi nito'y dumampot ng isang dakot na lupa at ibi-
nudbod sa ibabaw ng bangkay. Sa gayon ay sinimulaang tabunan ng
mga lalaki ang hukay sa gitna ng lubos na katahimikan.

Matatapos nang tabunan ang libingan at nangagsisialis na ang
mga nakaligid, nang maulinigan ang mga nagdudumaling yabag,
at isang paring bata, isang hesuwita, ang lumitaw na mukhang

________

4 Ang salitang Salam, ay siyang magalang na pagbating ginagamit ng
mga taga-Silanganan.

167