Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/170

From Wikisource
This page has been proofread.

—Aha! naaamoy ko na nga bang ikaw ay pilibustero! ang si-
gaw niya na humarap kay Hesus. ——A! walang hiya! A, Pilibus-
tero. Tinutuligsa mo ang mga bagay-bagay na nakatatag, pina-
hihintulutan mo ang iyong sariling sumulat ng mga puna, inaa-
kala mong dapat pintasan at kakatwa ang ginagawa doon, at pi-
nupulaan mo ang kuwarentenas. Dalhin siya sa bilangguan at
ngayon di'y isakdal siya.

Si San Pedro, nang makita niyang sumasama ang lakad ng mga
bagay-bagay, ay nagsamantala sa kaguluhan at nagsimulang lumayo.
nang unti-unti; at nang marinig niyang panganlang pilibustero ang
kanyang guro, ay nahulog na muli sa masama niyang kaugalian,
lumabas sa kuwartel at tumakas nang buong bilis. Sa kasamaang
palad, noon ay katanghaliang tapat at wala ni isa mang tandang
na tumilaok. Mayroon siyang isang malabong kaalaman tungkol
sa tawag na pilibustero na narinig niya sa isang tao sa langit, at
sa di pag-aalaala sa anuman at walang sumasaisip kundi ang pa-
nganib, ay nilisan at pinabayaan ang kanyang guro.


161