Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/169

From Wikisource
This page has been proofread.

—Ipakita mo sa akin ang isang piso ninyo!
Ang opisyal, na kailanma'y hindi nakabasa ng bibliya, ay wa-
lang kahina-hinala sa silong inihanda sa kanya. Dumukot sa kan-
yang bulsa ng isang pisong mehikano, na katulad na katulad ng
mga piso ni San Pedro.

—Ang piso bang ito'y inyo at ito ba'y ginagasta ninyo sa ban-
sang ito?

—E ano pa kundi gayon, sa iya'y bahagi ng ipinasahod sa akin.
Ang salaping iyan ang ipinambabayad ng pamahalaan.

—Datapuwa't kung ang mga salaping to'y pinahihintulutan sa
bansa at ginagamit ng pamahalaan, bakit sinasamsam ninyo ang da-
ladala nitong insik na ito? At kung siya'y inyong isusuplong, bakit.
hindi ninyo isuplong ang inyo ring pamahalaan?

Hindi malaman agad ng opisyal kung ano ang isasagot; siya'y
nalilito.

—Sa dahilang ayaw kami rito ng mga pisong mehikano ang
ipinakli niyang nagngangalit.

—Kung gayo'y bakit hindi ninyo itapon sa ilog ang mga pi-
song pag-aari ninyo?

—Hindi; sa mga piso lamang na nasa amin ay mayroon nang
sapat!

—Kayo ba'y gumawa ng panata ng pagpapakarukha?

—Aba! anong panata ng pagpapakarukha ang sinasabi mo?—
ang tugon ng karabinero. Kami'y mayayaman na sana kung kami'y
gumawa ng panata ng pagpapakarukha.

Inakala ng opisyal na siya'y binibiru-biro ni Hesus at sa da-
hilang wala siyang mahagilap na matuwid upang ilaban sa mga
tanong, siya'y nagalit at tinawag si Hesus na mapagbago at kaaway
ng kastila. Bilang pinakabunga nito, ay iniutos niyang si Hesus
ay kapkapang mabuti ng dalawang kawal.

Kinapkapan ang lahat ng mga bulsa ni Hesus at nakuha nila
ang aklat ng mga alaala na sinulat ni Hesus upang ihandog sa
Amang Walang Hanggan. Nang mabasa ng opisyal ang mga puna.
ni Hesus tungkol sa kuwarentenas, nagliwanag ang kanyang pag-
mumukha sa isang ngiting makaimpiyerno!

160