macaraang tiwasay, bagay itong dili iba't isa sa
mga bahagi ng capanaligan ng mga taga Bisaya't tagarito sa Luzon, na alayan ng cahi't
ano ang mga pooc na kinalibingan ng canilang
mga nuno. At cung bagama't nalimutan na ang
canilang pinaca-Bathala ó pinaca-Laon ay sanhi
marahil sa pagcahicayat nila sa Mahometismo ó
pananalig kay Mahoma na taglay ng mga huling
nacapamayan nila.
Ang mga sumunod ó huling namayan Hulo't Mindanaw ay ang nangabangit nang casabay ó casunod ng mga namayan sa Borneo noong dacong 1400. Ng panahong yaon ay halos laganap na ang pananalig cay Mahoma sa Kamalayahan at sa ganito ay mapaniniwalaan at siyang pagcaacala rin ng mga bagong manunulat na ang mga yao'y nagsisipanalig na cay Mahoma ng magsidating sa Hulo't Mindanaw, at siya tuloy na mga humicayat sa mga dinatnan At ayon sa sali't saling sabi ng mga moro sa Mindanaw, aní Dr. Barrows ay si Kabunsuan ang humicayat sa canila. Ito'y isang taga Johore na anac ng isang lalaking taga Arabia at ng isang babaeng taga Malaya. Si Kabunsuan ay dumating sa Mindanaw na may maraming casamang nananalig sa canya at di umano'y siyang pinangaligan ng mga dato sa Mindanaw. Sinasapantaha na si Kabunsuan ay isa sa mga inapo ni Mahoma sa dugo ng cayang amang taga Arabia: caya't hanga