Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/116

From Wikisource
This page has been validated.


— 115 —


ngayon daw ay ipinagmamalaki ni Ali at ng mga dato sa Mindanaw na sa canilang mga ugat ay umaagos pa ang dugo ng profetang si Mahoma, na siyang nagtanyag ng bagong religiong mahometismo na pinacareligion ng méga taga Hulo‘t Mindanaw.

Ang mahometismo ng mga taga Hulo‘t taga Mindanaw ay di lubhang cagaya ng tunay na mahometismo, dahil sa ang lahat ng religion habang tumatagal ay nababago ng nababago. Gayon, ma‘y inaasahan co, na sapagca‘t siyang region ng isang bahagi ng Pilipinas ay maitatanong din mga magiliwin sa ganitong casaysayan,cung ano ang religiong mahometismo At ang religion mahometismo ay ang itinanyag ni Mahoma na anya‘y wala liban sa isang Dios at siya ang profeta ng Dios at tuloy sinulat niya ang koran na ngayon’y siyang pinaka Biblia ng mga moro.

Si Mahoma ay anak ng isang babaeng judia na naging kristiana at ng lalaking si Abdallah na palasamba sa mga diosdiosan (idolo). Siya‘y ipinanganak sa Arabia noong taong 569 at mula sa kanyang pagkabata ay naulila sa kanyang mga magulang: anopa‘t ang nagpalaki sa kanya ay si Abu Taleb na kanyang mabuting amain. Nang siya'y magkadalawang pu‘t limang taon ay naglingkod kay Kadihah na isang matandang baong taga Mekka na mayama‘t marangal, at sa kagan-.