Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/114

From Wikisource
This page has been validated.


— 113 —

Ikalabing pitong Pangkat.


Dating pagsamba't Pananampalataya ng mga tagarito.

(Karugtong)

Tungkol sa kapanampalatayahan ng huling bahagi ng Pilipinas, na Hulo't Magindanaw, ay dapat malaman muna na ang mga tagaroon ay hindi namayang sabay-sabay. kundi ang iba,. na gaya ng mga Manobo, Tiruray atb, ay siyang nangauna; at ang iba naman ay masasapantahang mga kasabay ó kasunod ng mga taga Malayang nagsipamayan sa Borneo noong dacong 1400.

Mapaniniwalaang ang pananampalataya ng mga unang namayan doon na gaya ng mga Manobo, Tiruray, atb. ay ang sa Kamalayahan na halos kagaya ng dating pananampalataya ng mga taga Bisaya't tagarito sa Luzón: at catunayan ng dumating dito ang mga taga España ay may, nasumpungan pang isang daco sa Mindanaw na pinanganğanlang De Flechas ó Ng mga Pana na balang magdaan doon ay naghagagis ng pana na pinatutusoc sa bato at siyang iniaalay nilang pinakahayin upan sila'y

8