Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/29

From Wikisource
This page has been validated.


— 26 —

Yumao na siya,t, lacad ay matulin
ang toua nang loob di sucat sabihin,
sa pag mamadali halos na liparin
ang canilang bahay agad nang marating.

Ano,i, ng dumating maquita nang iná
ang tous nang loob ualang macapara,
salamat ang uica,t, macacacain na
may maiuulam may saquít mong amá.

Sa pag mamadali ni Sofia naman
ang casi,t, esposo,i, quinagugutuman,
hindi natatanto,i, ilinutong minsan
ang mga bitoo,i, balat ualang laman.

Hinango sa palloc niyong maluto na
saca pa naalmang manga balat pala,
ang uica sa anác ay cun baquin baga
manga ualang laman ano,t, nanglimot ca.

Sa dalauang matá luha,i, bumalisbis
nalumbay ang loob at siya,i, tumangis,
boong acala co at lulan nang dibdib
may ma-iuulam ang esposong ibig.

¡Ay baquit ca caya naman nagca gayon
pumulot nang balat na sa tauong tapon,
sa tubiga,i, di ca palá nag tutuloy
bitoong marami doon naroroon.

Hindi na tumutol sa uica nang iná
nag balic na muli na nag madali na,
tumauid nang ilog at hinanap niya
ang quinalalagyan bitoong lahat na.