Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/28

From Wikisource
This page has been validated.


— 25 —

Houag pong manimdim mahal na iná co
di po mauauala ang aua ni Cristo,
malacás po lamang yaring catauan co
ay mag tatrabajo,t, macaquita aco.

Salamat cun gayon dapat ngang asahan
palibhasa,i, uala cundi icao lamang,
quita mona itong ating calagayan
na ualang di uala at cahambal hambal.

Doon sa tubigan icao,i, pumaroon
cahima,t, bitoo, manglimot ca roon,
lacad nang madali,t, houag malalauon
at ang iyong amá,i, lubhang nagugutom.

Naparoon siya at hindi sumouay
tuloy nag dala pa nang sadyang sisidlan.
ng siya,i, sumapit sa catubiganan
may ilog na isang canyang tatauirán.

Tumiguil na roo,t, di tumauid siya
doon manglilimot ang nasang talaga,
linibot ang ilog nag mamalas siya
ng manga bitoo ay di macaquita.

Di nalauong oras cagyat sa sisipót
ang manga bitoo na dala nang agos,
natoua,t, ang uica,i, salamat sa Dios
may madadala na sa ináng nag-utos.

Hindi natatanto niya,t, naaalman
ang bitoong yaon ualang manga laman,
na tapon nang tauong manga balat laman
ay siyang sinaguip isina sisidlan.