Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/27

From Wikisource
This page has been validated.


— 24 —

Sa capangilagan na baca malining
ang ugaling dati ang guinagaua rin,
sa touing tanghaling oras nang pagcain
ay ualang pag sala,t, siya ay darating.

Yaong canyang amá,i, dinatnan nang damdam
hindi macaalis na mag hanap búhay,
guilio niyang iná loob ay mapanglao
ualang macacain ala alang tunay.

Juan ang uinica niyong canyang iná
icao baga bunsó ay paano baga,
amá mo,i, may saquít ay saan cucuha
nang ating cacanin cundi mag hanap ca.

Sumagót si Juan oó po Iná co
houag pong manimdim ang bahala,i, aco,
hindi mauaualan nang cacanin tayo
humingi po lamang sa Poong cay Cristo.

Totoo nga yaon ang uica nang iná
at tayo,i, sa Dios lubós umaɛsa,
dapua,t, cun hindi mag tatrabajo ca
di ca rin bibigyan cun nacaugmoc ca.

Umuling sumagot sa iná si Juan
di nga po bibigyan cun hindi maalam,
cun ang ating loob manalig na tunay
humingi ma,t, di man ay caaauaan.

Cahulugan iná nang ipinagturing
tano,i, cailangang sa Dios ay bingin,
bago mag trabajo,i, dapat manalangin
humingi nang aua,t, nang maquinabang din.