Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/26

From Wikisource
This page has been validated.


— 23 —

Mahabang panahóng canyang ingat-ingat
ni sinoma,i, uala na na cacamatyag,
bilin nang matanda,i, canyang guinaganáp
pag mamahal niya,i, ualang macatulad.

Nang siya,i, mabigyan niyong Nuno niya
batóng encantadong perlas ang capara,
isang arao ngani na icacain na
sa bató,i, humingi nang isang comida.

At uinica niyang icao aquing bató
na bigay sa aquin matandang Nuno co,
icao ay mag handa ng putahing husto
na aquing cacani,t, nagugutom aco.

Ualang liuag liuag lumabas na agad
ang isang lamesa,t, casangcapang lahat,
sari saring lutong manga masasarap
nacaliligaya sa matáng mamalas.

Dumulóg na siya at agad cumain
manga catouaa,i, di sucat sabihin,
saca nang matapos ang ipinag turing
icao aquing bató ligpitin ngayon din.

Nasunod na lahat manga cahilingan
lamesa at lahat agad nang naparam,
pag papasalamat niya,i, ualang hangan
sa matandang Nunong sa canya,i, nagbigay.

At di na umuli na humingi siya
tiniticman lamang batóng encantada,
ang nasoc sa loob inaala-ala
baca mamalayan nang magulang niya.