Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/25

From Wikisource
This page has been validated.


— 22 —

Sagót nang matanda,i, houag cang manimdim
at anoma,i, houag may alalahanin,
anopa,t, ang aquing muli,t, muling bilin
dati mong ugali houag babaguhin.

At halos dagdagan pag tauag sa Dios
pa pag-alabin mo puso sa pag-irog,
pag papalain ca,t, gagantihing lubós
loualhating gloriang ualang pagcatapos.

Saca napaalam matanda,i, nalis na
at si Juang Tamad iniuan na niya,
sa canyang oyayi nahilig pagdaca
cartilla,i, tinangna,t, canyang binabasa.

Uala siyang tahan nang quinabubuclat
fojas nang cartilla,i, nababasang lahat,
na ang sinasambit sa canya,i, igauad
nang Dios na Amá yaong graciang uagás.

Saca yaong tatlong cabanalang lubós
na dapat sunurin nang tauong cristianos,
inuulit ulit na uicang mataós
na manampalataya,t, manalig sa Dios.

At yaong icatlo ay pacaibiguin
ang Amáng Maycapal sambahi,t, purihin,
ang capoua tauo,i, sintahi,t, ibiguin
para nang pag-ibig sa sariling atin.

Salit salit itong canyang binabasa
touing bubuclatin sulat na cartilla,
naguing ganting pála ay binigyan siya
batóng encantadong lubhang mahalaga.