Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/30

From Wikisource
This page has been validated.


— 25 —

Natagpuan niya yaong caramihan
nanglimot na siya,t, lagay na sisidlan,
ano,i, nang mapuno,i, umoui na naman
at ang ala ala iná,i, nag-iintay.

Natoua ang loob nang siya,i, dumating
ang uica,i, ito nga bitoong magaling,
linuto pagdaca,t, caniyang inihayin
sa sintang asaua ay ipinacain.

Sa aua nang Dios at Vírgen María
niyong macacain nag tamóng guinhaua,
inulit cay Juan niyong canyang iná
baquit sa primero,i, balat ang dinala.

Ang cay Juang Tamad na ipinag turing
iná po,i, di baga yao,i, bitoo rin
di ninyo sinabi at ipinalining
bitoong may lama,i, siya cong cucunin.

Ang uica sa canya,i, icao pala naman
di naquiquilala bitoong may laman,
lumuti,t, may taquip iyong tatandaan
cun icao ay aquing muling pag utusan

Cayo po ang tacsil ina,t, hindi aco
di liniliuanag cun mag utos cayo,
di dapat sisihin acong anác ninyo
ualang casalanan at na sasa inyo.

Sa ganitong pulong at pag uusapan
asauang may damdam naquiquinig naman,
nag uica,t, sinabi na may catouiran
esposa cong sinta ang anác tang iyan.