— 157 —
—Kung hindi gayon ay hindi makukurò....
—Kung ang karunungan
—¡Ulit na namán ang karunungan! ¡puñales!
—Nguni't makingig kayó, aking ihahayag. Ang lahát ay alinsunod lamang sa paningin. Hindi ko pa nákikita ang ulo, ni hindi ko batid kung papano itinatanghal. Anang ginoo itinurò si Juanito Pelaez-ay hindi kagaya ng mga ulong nagsasalità na karaniwang itinatanghal-kahi't na! Nguni't ang sanhi ay yaon din; lahat ay dahil lamang sa paningin; hintay kayó, ilalagay na paganito ang isang salamín, ang isá pa'y sa likurán, ang malalarawan ay matatanaw... anó, isá lamang suliranin ng Písika.
At ibinaba sa kinalalagyan ang isang salamín, inisyos, ikiniling at sa dahiláng hindi niyá mapalabas ang kalinawan ay tinatapos sa wikàng:
—Gaya ng sabi ko, walang pinagibhán sa isang pagsirà lamang ng paningin.
—Nguni't anóng salamin ang ibig pa ninyó, sa sinabi sa atin ni Juanito na ang ulo ay nasa loob ng isang kaha, na ipinapatong sa isang mesa.... Nakikinikinitá ko sa bagay na iyan ang espiritismo, sapagka't kailan man ay gumagamit ng mesa ang mga espiritista, at sa akala ko'y sapagka't gobernador eclesiástico si P, Salvi ay dapat niyang ipagbawal ang pagtatanghal.
Si P. Salvi ay walang kasalisalità; hindi sumasagot ng oo ni hindi.
—Upang maalaman kung may diablo ó espíritu sa loob— ang sabi ni Simoun—ang mabuti'y paroonan ninyo't tingnan ang bantóg na ulong iyan.
Ang palagay ay minabuti at tinanggáp, nguni't si P. Salvi at si D. Custodio ay nagpakita ng kaunting nganínganí. ¡Sila ay maparoon sa isang peria, makipagsiksikan sa mga tao at manood ng mga esfinge at mga ulong nangungusap! ¿Anó na Jamang ang wiwikàin ng mga indio? Ariin silang tao na may hilig at kahinaan ding taglay ng ibá. Sa gayón, si Ben-Zayb, akay ng kaniyang pagkamamamahayag ay nangakong ipamamanhik kay Mr. Leeds na huwag magpapasok ng manonood samantalang sila'y nasa sa loob: nápakalaking karangalan ang ibibigay nilá sa kanilang pagdalaw upang huwag sumangayon, at sakâ hindi pa silá hihingan ng upa