Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/162

From Wikisource
This page has been validated.


— 156 —


ang katunayan ay kahi't mahigit na akong tatlong taón dito ay hindi pa ako nakakikita ng pipiláypiláy.

—Sa bagay na iyan ay kasang-ayon akó ng aling kuan— ang sabi ng isang kabaing kalapít-ano pa't bibigyan ng sapatos Sa wala naman silang sapatos ng sumipót sa maliwanag?

—¿At anó pa ang kailangan ng harò?

—¿At anó pa ang kailangan ng salawal?

—Isipisipin ninyo ang mapapalâ natin sa pagkakaroón ng isáng hubkóng hubo't hubád! —ang tapós ng nagtatanggol sa mga sundalo.

Sa isang pulutong ay lalong mainit ang pagtatalo. Si Ben-Zayb ay nagsasalita't nananalumpati, gaya ng dati'y hináhadlangán siyá sa bawà't sandali ni P. Camorra. Ang manunulat na prayle, kahi't niya iginagalang na lubha ang mga taong may satsát, ay palaging nakikipagtalo kay P. Camorra na inaari niyang isáng praylepraylihang mangmang; sa gayo'y ginagamit ng anyông malayà at dinudurog ang mga sabisabihan ng mga tumatawag sa kaniyáng Fray Ibafiez. Kinalulugdán ni P. Camorra ang kaniyang katunggali; iyon lamang ang tanging nagpapalagay na may katuturan ang kaniyang mga tinatawag na pangangatwiran niya.

Ang pinag-uusapan ay ang ukol sa magnetismo, espiritismo, magia at ibp., at ang mga salita'y sumasahimpapawid na gaya ng mga sundáng at bola ng mga salamangkero: silá ang naghahagis at silá rin ang sumásaló,

Nang taong iyon ay pinagkakaguluhan sa peria sa Kiyapò ang isang ulo na di bagay sa tawag na esfinge, na itinátanghál ni Mr. Leeds, isáng amerikano. Malalaking pabalità na makababalaghan at nakapangingilabot na nakaaakit sa panonood ang nangakadikit sa pader ng mga bahay. Ni si Ben-Zayb, ni si P. Camorra, ni si P. Irene, ni si P. Salvi ay hindi pa nakakikita sa ulong yaón; si Juanito Pelaez ang tanging nakakita isáng gabi, at siyang nagbabalità ng kaniyang pagkahanġà sa mga magkakalipon.

Si Ben-Zayb, dahil sa kaniyang pagkamamamahayag, ay nagpupumilit na makatuklas ng kalinawan; binabanggit ni P. Camorra ang diablo; si P. Irene ay nğumíngitî; si P. Salvi ay walang kaimík-imík.

—Nguni't, Padre, sa hindi na pumaparito ang diablo; tayo sa ating sarili ay sukat na upang magkasala....