— 154 —
Napaoo ang insík sa tulong ng tango; nguni't kailangan niyang sumuhol sa maraming tao.
—¡Lahát akieng bigáy sa Pale!
—Kung gayon ay tingnan ninyó —ang marahang patuloy ni Simoun —kailangan kong ipapasok ninyó ang ilang kaha ng pusí na dumating ngayong gabi.... ibig kong itagò ninyo sa inyong tindahan hindi magkakasiyang lahat sa aking bahay.
Si Quiroga'y nagulumihanan.
—Huwag kayong masindák, hindi kayó maaanó: ang mga baril na iyán ay unti unting itatago sa ilang bahay, at pagkatapos ay gagawa ng pagsisiyasat at marami ang ibinibilanggo.... marami tayong kikitain sa paglakad na makawala ang mga nápipiít. Batid na ninyo?
Si Quiroga ay alinlangan takót siyá sa mğa armas. Sa kaniyang mesa ay mayroon siyang isang rebolber na walang punlô na hindi niya hinihipò kailan man kundi lilingon munang nakapikit ang matá.
—Kung hindi ninyó magagawa ay hahanap ako ng iba, nguni't kailangan ko kung gayón ang aking siyam na libong piso upang padulasin ang mga kamay at ipikit ang mga mata.
—¡Siyá, siyá —ang sa hulf'y sabi ni Quiroga—¿nguni't huli ba malami tao? dutos lekisa, ha? Nang bumalik sa kabahayán si Quiroga at si Simoun ay nátagpuan ang mga galing sa paghapon na nangagtatalo: pinatabil ng champagne ang mga dilà at nagpapagalaw sa mga utak ng ulo. Nanğág-uusapang walang kakimikimi.
Sa isang pulutong na may maraming kawani, ilang babai at si D. Custodio, ay pinag-uusapan ang isang pasugò sa India upang pag-aralan ang ukol sa paggawa ng mga sapatos ng mga sundalo.
—¿At sinosino ang bumubuo? ang tanong ng isang babaing malaki.
—Isáng koronel, dalawang opisyal at ang pamangkin ng General.
—¿Apat? —ang tanong ng isang kawaní-iganyán na lamang ang lupon! dat kung magkahati sa kapasiyahan? ¿may pagkabatid man lamang kaya sa bagay na iyon?
—Iyán nga ang tanong ko-ang dugtóng ng isa —ang sabi ko'y dapat pumaroon ang isang hindi kawal sa hukbo,