— 153 —
—Náhuli kayó, náhuli kayó—ang bulalás ni Simoun na sabay sa pagtumbók ng marahan sa tiyán ng insík.
——At lahát tao hienge utang at hienne mayad ¿anó iyán? —at binilang sa kaniyang daliring may mahahabàng kukó —impelealo, opisiá, tinienti, sunnalo, ¡a, sinyó Simoun, akieng talô, akieng hapay!
—Siyá, siyá na ang kádadaíng —ang sabi ni Simoun— iniligtas ko kayo sa maraming opisyal na humihingi sa inyó ng salapi.... Sila'y pinautang ko ng huwag na kayóng gambalain at batíd kong hindi nilá akó mababayaran......
—Nguni, sinyó Simoun, kayó pautang sa opisiá, akó pautang sa mamae, sinyola, malinelo, lahát tao......
—¡Masisingil din ninyo! —¿Akieng makásingíl? ¡A, sigulo hienne pô ikaw alam! ¡Pagtalo sa sugá wala na mayad! Mamuti sa inyó melon koneu, maali habol, akieng wala....
Si Simoun ay nagiisip.
—Tingnan ninyó insík Quiroga, ang sabing wari'y natatangá -akó ang maniningil ng utang sa inyó ng mga opisiyal at mga marinero, ibigay ninyo sa akin ang katibayan ng pagkakatanggap nilá.
Muling namighati si Quiroga; hindi siyá binibigyán kailán man ng katibayan.
—Pag nangagsiparitong hihingi ng salapi, ay paparoonin ninyó sa akin; ibig kong iligtas kayó.
Napasalamat ng lubos si Quiroga, nguni't nábalik na namán sa kaniyáng mga pagdaíng, tinukoy ang mga galáng at inulit-ulit ang:
—¡Kung sigalela belon pa hiyà!
—¡Putris! ang sabi ni Simoun na tinitingnang pasulyáp ang insík na waring ibig hulaan ang nasa kalooban —nangangailangan pa namán akó ng salapi at inaakalà kong mababayaran ninyó akó. Nguni't ang lahat ay may kagamutan, ayaw kong mahapay kayo ng dahil lamang sa walang kabuluháng bagay na iyan. Siyá, isáng utang na loob at gagawin kong pitó ang siyám na libong utang ninyó sa akin. Kayo'y nakapagpapasok sa aduana ng lahát ng lámpara, mga bakal, mğa pinggán, tanso, inga pisong mehikano; ¿nagbibigay kayó ng armas sa mga kombento?