— 152 —
miti: kapag ang isang mangangalakál na insík ay dumádaíng
ay sapagka't mabuti ang lagáy; kapag ang ipinamalas ay wa
ring mabuting mabuti ang kaniyang lakad ay sapagka't nakikinikinitá ang isang pagkalugi ó magtatanang tungo sa
kanyang bayan.
—¿Kayó mo hienne alam akieng lugi, akieng hughóg? 1A, sinyó Simoun, akieng hapay!
At upang lalong maipabatid ng insík ang kaniyang kalagayan ay sinabayán ang salitang hapay ng anyong pagpapatimbuwang.
Ibig ibig ni Simoun na siya'y pagtawanán, nguni't nagpigil at sinabing wala siyáng anó máng nalalaman, wala, walâng wala.
Dinalá siyá ni Quiroga sa isang silid, na inilapat na mabuti ang pinto, at ipinaliwanag sa kaniya ang sanhi ng kasawián ng insík.
Ang tatlong galáng na brillante na hiningi kay Simoun upang ipakita sa kaniyang asawa, ay hindi sadyang para rito, kaawàawàng india na nakukulóng sa isang silid, na waring isang babaing insík, kundi para sa isang magandá at kaayaayang babaing kaibigan ng isang mataás na tao, na kailangan niya ang tulong, dahil sa isang kalakal na pagtutubùan niyá ng mga anim na libong piso. At sa dahilang ang insík ay walang kabatirán sa mga máiibigan ng babai at nasà niyang magpakita ng garà, ay hiningi ang tatlong pinakamabuting galáng na mayroon ang mag-aalahás, na tatló ó apat na libo ang halaga ng bawà't isá.
Ang insík ay nag-anyong walang malay at sa tulong ng kaniyang mahimok na ngiti ay sinabi sa babaing pumili ng maibigan; nguni't ang babai, lalong walang muwang at lalò pa mandíng mahimok, ay nagpahayag na ibig niya ang tatió, at kinuhang lahat.
Si Simoun ay humalakhák.
—¡A, sinyolia! ¡akieng lugi, akieng hoghóg! —ang sigáw ng insík na sabay ang pagtatampál sa sarili ng kaniyang maliliit na kamay. Patuloy din ang mag-aalahás sa katatawa.
—¡Huu! masama tao, sigulo hienne tutô sinyola! —ang patuloy ng insík na ginágaláw ang ulong masama ang loob— ¿Anó? bo hiyâ, kahi insiek sa akieng akó tao, ¡A, sigulo hienne tutô sinyola; kung sigalela belong pa konti hiyâ!