Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/157

From Wikisource
This page has been validated.


— 151 —


ang isa'y nakabiting kukuyakuyakoy. Nagkaroon ng mga tutulán, mga kasulatan, mga expediente, at ibp., ang mga kuadrilyero ay matuling nangagsipanandata upang pasimulan ang paghahamok ng magkakababayan, ang mga kura ay galák na galák, ang mga kastila'y nasasayahan at ang labát ng ito'y pinagkakakitaan ng salapi, hanggang sa pinigil ng General ang kaguluhan sa pamagitan ng pag-uutos na sila'y mangag-upùang kagaya ng insík, sa dahiláng ang mga ito'y siyáng bumabayad ng lalong malakí, kahi't hindi siyáng lalong katoliko. At dito nangyari ang kagipitan ng mga mestiso at naturales, na, sa dahilang makikipot ang salawál ay hindi makagaya sa insík. At upang ang nasàng duhagihin sila'y mabunyág, ay ginanap ang kautusan ng boong karingalan at ginamitán ng mga sangkáp, nilibid ang simbahán ng isang pulutong na kábayuhan, samantalang ang lahat ng nasa loob ay pinapawisan. Ang usapin ay nakarating sa España, nguni't doo'y náulit ding sa dahilang ang nagbabayad ng lalóng malaki ay ang mga insík ay mangyayaring pairalin ang kanilang ibigin sampû sa mga ceremonias religiosas, kahi't pagkatapos ay tumakwil sa pananampalataya at libakin ang pagkakristiano. Nasiyahang loob ang mga naturales at mestiso at pinag-aralan nila ang hindi pag-aaksayá ng panahón sa mga gayóng bagay na walang kabuluhán.

Sinuyosuyo ni Quiroga si Simoun sa tulong ng kaniyang haluang pananalita't ngiting napakamakumbabâ; ang kaniyang tinğig ay napakamahimok, paulit-ulit ang kaniyang yukô, nguni't pinutol ng mag-aalahás ang kaniyang pangungusap at itinanong sa kaniyáng bigla:

—¿Náibigan baga ang mga galáng?

Sa tanong na ito'y napawing wari'y pangarap ang siglá ng kalooban ni Quiroga; ang tingig na dating mahimok ay naging mahinagpís, lalò pang nagpakayukôyukô at matapos. pinapagdoop ang mga kamay na itinaas na pantay mukha, anyong pagbati sa kainsikán, ay dumaíng ng:

—¡Uu, sinyó Simoun! ¡akieng lugí, akieng hughóg!

—¿Bakit, insik Quiroga, kayo'y lugi at hughóg? ¡at ganyang karami ang botella ng champagne at mga panaohin!

Ipinikit ni Quiroga ang kaniyang mga mata at nĝumiwi. ¡Hss! Ang nangyari ng hapong iyon, ang naging hanggán ng mga galáng, ay nakapaghughóg sa kaniya. Si Simoun ay nğu-