Jump to content

Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/25

From Wikisource
This page has been proofread.


—22—

Cun gayon aniya ang ipinagsulit
nitong si Peleno huag cang magalit
icao lumacad na sundin mo ang nais
sa cay Sigesmundo nang icao ay sumapit.

Nang matalicod na,i, pagdaca,i, sinacsac
nitong tampalasan palibhasa,i, douag
abang si Escaño nama,i, napahamac
hininga,i, nauala buhay ay nautas.

Camay hinauacan at saca quinuha
ang nasabing sulat at biglang binasa
ang lahat nang bagay natalastas niya
at siya,i, gumaua nang sulat na iba.

Sa letrang yaon tinulad iniayos
nitong tampalasan at sucab na loob
ang napapalaman ay catacot-tacot
sa mahinang isip na nacalulunos.

Matapos ang gayon muling inilagay
doon cay Escaño na nasabing camay
siya,i, naglacad na iniuan ang patay
uala namang tauo na nacamamalay.

At siya rin naman parang nagbalita
sa manga Consejo at Haring daquila
caya nga,t, sa gayon nagcagulo nanga
na di magcamayao ang manga salita.

Nag-utos ang Hari ang patay ay cunin
nang mapagtalastas ang bagay at dahil
noon din tumupad na nagpacatulin
ang manga soldado sinunod ang órden.

Patay ay quinuha sa Hari natatap
si Escañong bunyi nguni at may sulat
pagdaca,i, quinuha at binasang lahat
sampo ni Estorpo,i, nacatatalastas.