Jump to content

Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/24

From Wikisource
This page has been proofread.


—21—

Pagca,t, bagong tighao at calalacas pa
cataua,i, sa sugat nang guminhaua na
ang nasoc sa loob ang maglacad siya
na nag-inot-inot Torre ang pinunta.

Caya nga,t sa gayong manga paglalacad
nitong si Peleno tampalasa,t, sucab
na natanao niya at cusang namalas
itong si Escaño Capitáng marahas.

Na naquita niya doon nangagaling
sa duquesang bahay siya,i, napatiguil
sulat nang maquita galit ang sabihin
binati na niya ganito ang turing:

Escaño saan ca ngayon nagbuhat
baquit may tangan ca sa camay na sulat
sagot nang tinanong sa aquing pagtupad
na sa general cong Sigesmundong hayag.

At aco,i, galing sa bunying Duquesa
sulat sa poong co ay ipadadala
uica ni Peleno cun ibig mo sana
ang laman nang liham iyong ipabasa.

Hindi mangyayari tugon ni Escaño
maguiguing mahalay sa cay Sigesmundo
uica ni Peleno ualang iba,t, aco
na pintuhuin mo sa loob nang Reino.

Ang talastasin mo aco ang Príncipe
at tunay na Haring dito,i, hahalili
caya ang sulat ngayon ay mangyari
ibigay sa aquin nang di ca maapi.

Hindi nararapat tugon ni Escaño
cahima,t, sa Caliz magcalaban tayo
houag mong pilitin ualang tacot aco
cahit ilangcap mo itong boong Reino.