Jump to content

Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/15

From Wikisource
This page has been proofread.


—12—

Ang toua nang Hari ualang macatulad
sa cay Sigesmundong catapanga,t, lacas
gayon din ang Reina malaqui ang galac
dito sa bayani pinaparang anac.

Ang lahat nang yaon aquing lilisanin
at si Policena siyang sasabihin
sa cay Sigesmundong halama,i, nagsupling
nag-anac nang isang babaying butihin.

Sa magcagayon na ang bunying Duquesa
ang guinauang lalang nanaog pagdaca
sa tahanang Torre ang bata,i, dinala
nagtaquip nang muc-ha nang di maquilala.

Diua,i, talaga na namang naguing palad
nacaquita siya tauong naglalacad
na si Peleno nga si Eduardong hayag
bata,i, iniabot Duquesa,i, nangusap.

Ibinibigay co itong aquing tangan
na tangapin ninyo at hindi pa biñagan
nguni,t, itong lungoy mangyaring paquingan
sa paroroonang co,i, houag acong sundan.

Ang nasabing batai, tinangap nga nila
at saca umalis naman ang Duquesa
uica ni Peleno mahanga i, aniya
babai sundan co at nang maquilala.

Eduardo sa gayon pagdaca,i, nangusap
mahalay sa iyo Príncipeng mataas
baquit ang babai nama,i, nagpahayag
na siya,i, houag sundan sa paglacad.

Cun gayon ang tugon naman ni Peleno
ang bata,i, dalhin na at pabinyagan mo
saca cun matapos icao ay patungo
sa aquing alagad pastor na Camilo.