Jump to content

Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/14

From Wikisource
This page has been proofread.


—11—

Na sa guerrang yaon parang naguing palad
na lilima lamang yaong nacaligtas
na si Abdelices Brabonel na sucab
Abdel at Panagot at saca Mahomat.

Ang manga Cristiano i, sa uala na naman
silang macabaca na morong sucaban
itong Sigesmundo hayag na general
pagdaca i, nangusap sa lahat nang caual.

Eduardo aniya lacad at ngayon din
lahat nang soldado iyong usisain
ang nangapahamac cunin at ilibing
ang manga sugatan sa Reinoi, dalhin.

At icao Escañong hayag na Capitan
ngayon din tayoi, mangagpatuluyan
mui sa Reino nang di nababalam
at nang matalastas nang ama cong mahal.

Palibhasa i, utos sumunod ang lahat
sa cay Sigesmundong general na hayag
at hindi nainip sa manga paglacad
Albania,i, dinating sa Palacio i, naquiat.

Sila,i, sinalubong nang Haring Eleno
at saca ang Keina Príncipe Peleno
saca ang princesa t, manga Consejero
manga catouaai, hindi´mamagcano.

Nang nauupo na sa silla ang lahat
itong Haring bantog pagdaca,i, nangusap
Sigesmundong bunso sabihin mong lahat
nangyari sa iyo sa guerrang nilabas.

Sinabing lahat manga pinagdaanan
sampong pagcapatay doon sa general
na si Abderamin na lilo,t, sucaban
sa paraan niya na guinauang lalang.