Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/48

From Wikisource
This page has been proofread.
—49—

Icapito. At catapustapusa'y mangalaga sa lahat
nauucol sa cahusayan at icatitimana ng bayan
mga saquit.

81. —Ang manga hanganan nang capangyarihan
nang Presidente ay itong manga susunod:

Una. Sa ano mang dahila'y hindi masasan-sala
ang pagcacatipon ng Kapisanan sa mga panahon
at pangyayaring nabibilin sa cautusan, at gayon
ding hindi yaon mapipiguil at mapaghihiua-hi-
ualay at cailan ma'y di magagambala ang manga
pagpupulong at paglilining nito.

Icalaua. Hindi siya macalalabas sa nasasacupan
ng República at di niya masisira è maihihiwalay.
at malalaguian nang ano mang capanagutan ang
alin mang bahagui nang lupain nito.

Icatlo. Hindi macapagyayari ng anomang tipa-
nan at iba pang casundo at gayon ding hindi mapaiiral
ang digma at mapababalic at mapagtitibay ang
capayapaan cun ualang pahintulot ang Capisanan.

82. —Ang manga pasiya nang Presidente nang
República ay pipilmahang palagui nang Kagauad
na nauucol; nguni't hindi ito mananagot na ca-
sama niya cundi maquilala na itong Kagauad ang
naghamong nang mga naturang pasiya.

83.—Hihirang ang Presidente sa nığa Tágatayó
at Apong halili na at quinaquitaan nang ugaling
ualang ipipintás sa pag ganap nang catungculan
o di caya'y sa manga nag gugol nang malalaquing.
paglilingcod sa bayan, ng mga Kagauad ng Pamu-
noan na siyang tutulong sa caniya sa paglulutas
nitong mga susunod na sangá:

Una. Paquiquipanayam sa taga ibang lupa at
pagcacalacal.

Icalaua. Panibala sa loob na nacasasaclao sa
cahusayan sa loob, sa pagtuturo at pagpapalayo
sa mga sáquit,

4