Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/47

From Wikisource
This page has been proofread.
—48—

78.—Ang Presidente ang mag lalathalâ `ng mga
tadhana ng Kapisanan upang mapilit sa pag sunod
ang tauo; gayon ma'y cun inaacala niya na ang
alin man sa mga tadhanang ito ay macagagambala
sa cahusayan sa loob at sa capanatagan sa labas
ay malalaguian niya ng sansala (veto) sa ilalim ng
boo niyang capanagutan.

79. —Ang Presidente sa sarili niyang isip
hamong ng alin man sa caniyang mga Kagauad
ay macapaghaharap sa Kapisanan ng ano mang
panucala ng cautusan, nguni't bago gauin yaon
ay didinguin muna ang Tanungan.

80.—Bucod pa'y nauucol sa caniya itong mga
malaquing capangyarihang susunod:

Una. Kumatha ng mga atas at tagobiling qui-
nacailangan sa pagtupad ng mga cautusan at
mangalaga na sa boong nasasacupan ng República.
ay walang maghari cundi ang madali at ganap
na catouiran.

Icalaua. Gumawa ng mga cautusan at bagong
pacană na inaacala niyang dapat ihamong sa Ka-
pisanan ucol sa cagalingan ng República, upang.
pagnoynoyin ng nararapat.

Icatlo. Maghalal sa mga may catungculan sa
bayan ayon sa mĝa cautusan.

Icapat. Acayin ang Hocbong dagat at Hucbong
cati at pagayao-ayaoin sa paraang lalong nararapat
sa pamamaguilan ng mga Generales na lalong
may catampatan na siyang pagsasalinan niya ng
Kapangyarihan.

Icalima. Mag tuto sa paquiquipulong sa mga
Pamunoang taga ibang lupa at maghalal ng mga
sugo al Consul na cacatauanin niya.

Icanim. Mamahala sa pagpapabubo ng mga
salapi at mag atas ng mga pag-gugulan, ng mga
itinatalaga sa baua't sangá ng pamamahala sa bayan,