Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/37

From Wikisource
This page has been proofread.
—38—

Icalabingdalaua. Pasiyahin ang halaga, timbang,
uri at ngalan nang manga salapi, at gayon din
ang huarang lalong madali at matuid ng manga
timbangan at panucat,

Icalabingtatlo. Guisingin at pasulongin ang lahat
nang paraan nang hanap-buhay at alisin ang ma-
nga nacahahadlang sa paglaqui.
Icalabingapat. lagay ang paraan ng pagtuturo
sa bayan sa boong nasasacupan ng República at
ituro ang manga patungtungang susundin sa pag-
huhusay sa manga malacas at sa manga maysaquit.

Icalabinglima. Magcaloob ng manga Karanga-
lan at ganti, pati nang kapatawaran sa sála, na
íhamong nang Pamunoan.

Icalabinganim. At catapustapusa,y pasiyahin
muna ang capanagutan ng manga Kagauad ng
Pamunoan, at og Presidente ng República cun
ito'y mahahalinhan na.

48. —Ang lugal na pinagpupulungan nang Ka-
pisanan ay lubhang cagalang-galang at di mapagpa-
pahamacan at sino ma'y ualang macapapasoc doon
cun may bitbit na sandata cahima't ang Presi-
dente ng República. At hindi rin maca papasoc dito
ang mga sandatalian, liban na lamang cun ipatauag
nang Presidente nang Kapisanan, upang maoli
ang cahusayan sa loob na guinambala nang manga
di marunong magbigay puri sa sarili at sa hina-
hauacang catungculan.

49. —Ang alin mang Tagatayo ay macapaghaha-
rap sa Kapisanan nang ano mang panucala nang
cautusan, cailan ma't ito'y gauin sa sulat; at cun
ipahayag nang Kapisanan na yao'y marapat pag-
pulungan at pagnoynoyin ay bibiguian ng salin ang
Tanungan upang pagliniğin it.

Hindi mapagbobotosan sa Kapisanan ang ano
mang panucala, cun hindi maquita muna ang