- —37—
Icalaua. Kumathá ng mga cautusan, magpaliua-
nag sa mga cahulugan nito at paualan ng bagsic
ang mga naquiquilalang lipás na
Icatló. Llagay sa catungculan ang mahalal
Presidente nang República capag nadingig ang unang
Calatas nito sa pagbati.
Icapat. Aminin bago pagtibayin ang ano mang
cayaring gauin sa mga taga ibang lupa at qui
lanlin muna ang pagcacailangan bago pairalin angv
ano mang digmâ,
Icalima. Magbigay o tumangui sa capahintulutang
quinacailangan upang macapasoc ang mga sandata-
hang taga ibang lupa sa nasasacupan nang República.
Icaanim. Pasiyahin taon taon cung maquita
ang hamong ng Presidente ng República ang Hoc-
bong dagat at Hocbong cati na dapat gamitin sa
panahon ng capayapaan at ang maguiguing ca-
ragdagan sa arao ng digma, at maglagay ng ma-
nga cautusan tungcol sa cahusayan at paraang da-
pat sundin ng mga naturang hocbo.
Icapito. Ipacana taontaon ang mğa ambagan at
ang pagaayau-ayau noon.
Icaualo. Pasiyahin ang dami nang magugugol
sa pamamahala sa bayan at pagnoynoyin ang ca-
toosan (cuenta) noon.
Icasiyam. Magtayo nang mga Aduana (pama-
halaan sa mga lalauigan) at maglagay ng manga
Aransel ó Tandaan nang mga opang dapat singilin
sa mga calacal na idoong,
Icasampu. Magpasiya nang nauucol sa pama-
mahala, pagiingat at pagaaluas ng mga pag aari
ng República at humiram sa ngalan nito ng salapi
cun baga't cailangan.
Icalabingisá. Magdagdag ó magbauas ng mga
Katungculang quinacailangan ng isang matipid
na pamamahala.