Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/26

From Wikisource
This page has been proofread.
—27——

Ang lahat na catungculang hindi ihalal ng ba-
yan, cahit ano ang uri at gaano man ang halaga
ay dadaaning lahat sa sungčaran, upang mahirăng
ang lalong marapat, at ang matayó doon ay di ma-
pupuing ng pagayon lamang.

Ang matatangi lamang dito ay ang mğa Kagauad
nang Pamunoan at ang mga Punongcabayanan at
Punongbayan na ipalalagay ng Presidente, nguni't
sa paraang nabibilo sa Panucalang ito.

23. —Ang capangyarihan sa pagcat-ha ng cautu.
san ay tataglayin ng Kapisanan, casama ang Pre-
sidente ng República na inaalalayan ng Tanungan.

Ang nanĝanĝasi ja sa pagpapatupad ng mga cau-
tusan ay ang Presidente nang República na tinutu-
lungan nang mga. Kagawad nang Pamunoan at
inaalalayan ng Tanungan.

At ang capangyarihan sa paghatol ay tataglayin
nang mĝa Tribunal ó Kapulungan nang catuiran
at nang mga Hucoman.


ICATLONG CASAYSAYAN —Tungcol sa Kapisa-

kan (Congreso.)

24. —Ang Kapisanan ay isang Katipunan nang
manga Tagatayong inihalal ng mga umaambag
na may carapatán, upang mangatauan sa canila at
magtangcaçal sa mga catuiran at pagaaring na-
sasaclau nang canilang Cabayanan at nang boong
República.

Umaambag na may carapatán ang mga lalaquing
may taglay nang mga casangcapang nabibilin sa
núm. 16 at ang mga babaying nasasaclau sa ica-
lauang pangcat nang núm. 17.

25. —Upang maihalal na Tagatayo ay quinacaila-
ngan, bucod sa mga casangcapang naulit na nang