Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/25

From Wikisource
This page has been proofread.
—26—

IGALALANG CASAYSAYAN. —Tungcol sa Repú

blica nang Pilipinas.

20. —Ang República ng Pilipinas ay ang Katipunan
ng mga namamayan dito, na natatay sa lupaing
nasasaclao ng mga Puló ng Luzong, ng mga Bi-
saya at Mindanao. g capuluan ng Jolo at ng iba
pang mga pulopuloang nacacapit sa mga sinabing
itó at nasasa loob ng calauacang tinatawag ng una
pa na capuluan ng Pilipinas,

Ang Marianas, ang Carolinas at iba pang nasa-
sacop ng Pamunoang castila dito sa Oceania ay ma-
lalaquip sa República cun sila'y talagang maqui-
pag-isa sa mga taga Pilipinas sa gauang pagbabangon
ng casarinlan sariling basaysay.

21. —Ang lupain República ay pagtatangi-
tangin sa manga nayon, at baua't isa nito'y pama-
mahayan ng ilang maganac na napopooc sa isang
lugal.

Ang pooc ng manga nayon ay tatauaguing ba-
yan at ang pooc manga bayan ay panganganlang
cabayanan. Ang Kapisanan ng manga cabayanan
ay siyang Katipunang tinatawag na República ng
Pilipinas.

22. —Ang República ng Pilipinas ay namumu-
hay ng sarili at ang pamahalaan niya ay ang na-
babagay sa caniyang pangalan, sa macatuid ay
ang pamamahala ng isang República.

Caya nga't mula sa Presidente hangang sa lalong
maliit na may capangyarihan ay sa tauong bayan
huhugutin at walang ibang gagaoing patungtungan
sa pagpili cundi ang uagas na carapatan at lubos
na carangalan at capurihan at iba pang cahusayan
ng ugali na ipaquita ng isa't isa.