— 19 —
pangyarihan sa bayan macapagpaparusa caya sa
tauong bayan.
3—Ang sino mang taga Pilipinas ay may catungculang manandata at magtangol sa bayan cun siya'y cailanganin ayon sa cautusan, at umambag naman ng nauucol sa caniyang pagaari sa manga cailangan ng bayan.
Hindi ipahihintulot sa alin mang cautusan na mabayaran nang salapi ang paglilincod sa sandatahan nguni't hindi gagamit sa hocbong pangdigma nang tauong dinaan sa pilit haban mayroong maquitang maglincod ng kusa.
Sino may hindi mapipilit magbayad ng ambagang hindi ipinacacana at tinatangap ng Capisanan.
4—Ang sino mang taga Pilipinas at taga ibang lupa ay hindi mapipiit cundi siya pagbuntuhan nang manga hinalang may caliuanagan at catuiran na siya ang may sala, cun siya caya'y nasuboc sa pag gaua nang casalanan.
Ang sino mang piitin ay ibibigay pagdaca sa Hucom na may capangyarihan, at ito'y siyang magmamacaalam sa ilalim nang boo niyang pananagot na huag gamitan ang napipiit ng ano mang gauing pagpapasigao at pagpapahirap at agad-agad susugpuin ang ano mang maquitang paglabag sa capurihan at mabuting pinagaralan. Capag tinangap ng naturang may capangyarihan ang alin mang napipiit ay uusisaing agad-agad cun ito'y dinală sa ibang lugal o cun pinahirapan, at alin man dito ang nagaua ay gagamitin capagdaca ang paguusig na catampatan laban sa manga nagculang.
Ang alin mang pagpiit ay pauaualang bagsic ó isusulong sa pagcabilango sa loob nang pitongpu at dalauang oras mulang isulit ang napit sa Hucom na may capangyarihan. Ang pasiyang isadya sa alin man sà cabagayang yaon ay ipatatanto sa