Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/17

From Wikisource
This page has been validated.

— 18 —


manga tubo dito sa República, cung ang magugulang ay manga taga ibang lupang hindi nalipat dito ng pamamayan; icalaua ang manga anac ng amang taga ibang lupa, cahit ang ina'y taga rito, cailan ma't quinilala ng ama ang anac upang masunod sa caniyang pinamamayanan.

Macahihingi sa Kapisanan (Congreso) ng catibayan sa paglipat dito ng pamamayan ang manga taga ibang lupang natitira dito alang alang sa alin man sa manga cadahilanang ito: una sa pagca't nacapagasaua sila sa babaying taga rito; icalaua sa pagca't may natatayo silang hanap-buhay dito sa capuluan o nacatuclas caya ng ano mang mapagquiquitaan na malaquing halaga. ó may lupain caya o bahay na ipinagbabayad ng malaquing ambagan,o may calacal cayang pinamumuhunanan nila ng sarili at malaguing halaga ayon sa acala ng Capisanan: at icatlo sa pagca't nacagaua ng malalaquing paglilincod sa icagagaling at icatitimaua.. ng República.

Mabibilang sa manga mamamayan dito sa Pilipinas ang manga anac nang manga taga ibang lupang natitira dito, cun pagsapit sa dalauangpu at isang taong ganap ay mamayan dito at humauac nang ano mang hanap-buhay na may casaysayan at tumalicod sa pinamamayanan ug caniyang magugulang sa harap nang catampatan may capangyarihan.

2.—Ang manga taga ibang lupa ay macatatayo cailan ma't ibig nila sa lupang nasasacop nitong Capuluan, at macapaghahauac ng hanap-buhay ó ano mang catungculan na hindi hinihingan nang manga cautusan ng catibayang galing sa may manga capangyarihan dito sa Pilipinas.

Ang hindi nalipat dito ng pamamayan ay hindi macahahauac ng catungculang may taglay na ċa-