prayle Rodriguez ay magbibigay, sa araw ng paghuhukom, ng isang
pagtutuos na totoong napakahaba, na marahil ay tatagal hanggang kinabukasan ang pag-uulat, yamang napakarami na ang mga
kahangalang kanyang nawika. Datapuwa’t ang inyong anak na
walang iniwan sa isang tulig, ay nagtangkang bumanggit ng talataang ikatatlumpu’t dalawa na nagsasaad ng ganito: At sinimang magsalita laban sa anak ng tao, ay ipatatawad sa kanya;
nguni’t ang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi ipatatawad
sa kanya maging sa dantaong ito, maging sa susunod. Buhat sa
talataang ito’y ibig na naman niyang hinuhain ang purgatoriyo:
anong paghihinuha!
Ikapat. Sa dahilang sina San Irineo, San Clemente ng Alehandriya, at Origenes, tatlo silang lahat — na hindi nga naman kabilang sa mga kauna-unahang kristiyano, ay may isang hinagap na nahahawig, bagama’t malayo, tungkol sa purgatoriyo, ay hindi ibig sabihin nito na ang mga kristiyano nang mga unang dantaon ay nangagsisisampalataya sa purgatoriyo, tuwing hindi mapagtitibay na ang tatlo katao ay bumubuo sa kalahatan, at kahit na sa kabuuan ay may mga kuru-kurong lubhang nangagkakalaban. At ang katunayang hindi nga gayon na rin, santo Doktor, na ama ng prayleng yaon, kayong nabuhay noong mga dantaong ikapat at ikalima, kayo na pinakadakila sa mga Ama ng Iglesiya, ay nagpasinungaling nang tiyakan sa maraming sinulat ninyo sa pagkakaroon ng purgatoriyo. Kayo ang nagsabi sa inyong pangaral bilang CCXCV na nagsimula ng Frequenter Charitatem Vestram, ng mga sumusunod na pangungusap na sukat makalutas sa bagay na ito: Nemo se decipiat, fratres; DUO enim LOCA sunt et TERTIUS non est ullus; Qui cum Christo regnare non meruerit, cum diabolo ABSQUE DUBITATIONE ULLA perebit. (“Huwag magkamali ang sinuman, mga kapatid; dalawa lamang ang lunan, at walang ikatlo, Ang sinumang hindi naging marapat na magharing kasama ni Kristo ay walang anumang pag-aalinlangang mapapahamak na kasama ng diyablo.” At pagkatapos ay inyong sinabi sa De Consolatione Nortuorum ang mga sumusunod na pangungusap: Sed anima quae carnalibus oculis non videtur, ab angelis suscipilur et collocatur, aut in sinu Abrahae, si fidelis est, aut in carceris inferni custodie si peccatrix est, Alalaong baga’y: “Bagkus sa pagyao ng kaluluwa na hindi nakikita ng mga mata ng katawan, ay tinatanggap iyon at inihahatid ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham kung yaon ay tapat, o sa bilangguan ng impiyerno kung yaon ay makasalanan,” Makababanggit ako sa inyo ng marami pang nakasulat na mga pangungusap ninyo, palibhasa para sa inyo, ang pur-
83