Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/91

From Wikisource
This page has been proofread.


git nang magkahiwalay sa dalawang aklat na iyan ay iniaatas ng katuwiran, sapagka’t ang mga iyan ay tunay na dalawang aklat, dalawang mambabatas, at dalawang pananampalatayang ibig pagbatayan ng relihiyong katoliko.

Ang inyo ring anak ay nangangatuwiran, na parang isang diyos, nang sabihin niyang hindi ko nalalaman na ang mga santo Ebangheliyo ay iba sa Bibliya at hindi isang mahalagang bahagi ng Bibliya, Sabihin mo sa kanya, banal na Pantas, na sa lahat ng bansa, ang isang bahagi, kahit na ito pa’y pinakamahalagang bahagi, ay lagi nang naiiba sa kabuuan. -Bilang halimbawa: ang lalong mahalaga kay Pray Rodriguez ay ang abito nguni’t ang abito ay iba kay Pray Rodriguez, sapagka’t kung hindi magiging ganito ay magkakaroon ng isang prayle Rodriguez na marungis, isang prayle Rodriguez na magara, isang prayle Rodriguez na gusgusin, isang prayle Rodriguez na maluwang, isang prayle Rodriguez na maikli, isang prayle Rodriguez na mahaba, isa pang prayle Rodriguez na malibag, isa pang unat na unat, at isa pang bagung-bago lamquam tabula rasa, na walang iniwan sa sulatang walang anumang nasuSsulat, at iba pa. Ang abito at ang prayle ay hindi nararapat na ariing iisang bagay lamang sapagka’t ang isang putol na kayo kahit na pagkarumi-rumi, ay hindi maaaring maging pangahas, ni mapaghari-harian, ni walang muwang, ni maging kaaway ng pagkatuto ng bayan.

Ikatlo. Upang mapatunayang may purgatoriyo ay binabanggit niya si San Mateo, anya, ikalabindalawang kabanata, talataang ikatatlumpw’t anim. Datapuwa’t namamali ang kanyang banggit, sapagka’t sa talataang ito’y hindi mahihinuha na mayroong purgatoriyo o anumang bagay na nawawangki sa purgatoriyo. At kung hindi, ay tingnan natin. Ang aklat sa wikang ebreo ay nagsasaad: Wa ‘ebiji’ ‘omar lakam kij’ al kal dbar reg aschar idabbru‘abaschim yittbu heschboun biom hammischphat. Ang nasulat naman sa-aklat sa wikang griyego ay: Lego de nymin hoti pan rema argon ho ean lalesosin hoi anthropoi apodosousi peri autou logon en hemera kriseos, Ang pagkasalin nito sa latin ay nagsasaad: Dico autem vobis quoniam omne verbum otiosum quod lucuti fuerint homines, reddent rationem de eo in die judicii, at sa kastila: Y digoos que toda palabra ociosa que dijeren los hombres daram cwenta de ella en el Dia del Juicio. (At sinasabi ko sa inyo na bawa’t salitang walang kabuluhan na wikain ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom.’”’) Gaya ng inyong makikita, Doktor, na sa pagsasalaysay sa apat na. wikang binanggit ko, ay walang ibang bagay na mahuhulo kundi ito: na si

82