sa dahilang sapul sa sandaling siya'y gumawa dahil sa lakas ng iba, ay nawawala sa kanya ang katangiang pagkamalaya at siya'y, hindi gumagawa alinsunod sa kanyang sarili bagkus pa nga'y alınsunod sa iba. Datapuwa't pinaninindigan niyang ang budhi'y nararapat maging mulat, at maligtas sa anumang sukat makapilit sa kanya. Sinabi rin niyang ang Diyos ay hindi humihingi sa tao ng isang di-mangyayari, at sa dahilang ito'y hindi siya nag-uutos na makitang puti ang itim o itim ang puti. Kung sinasabi ng aking pagkaunawa na ang isang bagay ay nararapat maging gayon, hindi ako dapat maniwalang yaon ay kailangang maging kaiba; ang ako'y mangatuwiran nang higit o kulang sa kaliwanagan, ay hindi nauukol sa akin; ako'y walang tungkuling maging pantas kundi isang taong may budhi at may pananalig; gayon ma'ymhindi ko iniwawaksi ang liwanag kailan ma't ito'y makatatanglaw sa akin.
Napapansin kong bahagya nang nakaiisod ako sa dalawa kong nilalayon. Maging ang ama't maging ang anak na dalaga'y nananatiling nakatayo at hindi sumusuko. Datapuwa't napansin kong ang ama'y lalu't lalong nagmamatigas sa kanyang mga kuru-kuro at ang anak na dalaga nama'y lumalambot araw-araw bagama't bahagyang-bahagya lamang.
Doo'y nakikita kong maliwanag na maliwanag ang kamay ng,Diyos at naaabot ko na halos ang bunga ng gayon kalaking pagpapagod, nang isang araw ay nagkasakit ang ama upang hindi na makabangong muli. Isang binatang manggagamot, na madalas sa bahay na yaon, ang siyang pinagkatiwalaang gumamot sa maysakit; siya'y nag-aangkin ng malaking kabantugan at pinakukundanganan siya ng maysakit bilang manggagamot at bilang kaibigan. Ipagpaumanhin ninyong sabihin kong ako'y nagpuyat sa tabi ng hihigan ng maysakit ng dalawa o tatlong gabi, akong nag-aabang ng lahat ng sandali upang siya'y kausapin tungkol sa Diyos, maging sa pakikipag-usap sa kanyang anak, na lalong nagiging mapag-isip araw-araw, at lalong magiliwin din sa akin. Ako'y nagmamalasakit nang gayon na lamang dahil sa kanya, sapagka't nakikita ko sa kanya marahil ang pinaka-kasangkapan ng Diyos para sa mga kapuri-puring hangarin; at maaari kong tiyakin sa inyo ang kalinisan ng aking mga kaisipan. Hanggang ako'y nakahandang pakasal sa kanya kung ito'y naging kailangan, at lahat nang iya'y alang-alang sa pag-ibig ko sa Diyos.
Gayunma'y nakikini-kinita ng maysakit na nalalapit na siya sa hukay at ito'y madalas niyang ipahayag. Nagugunita ko pa