bangong kioskong silanganin, sa madilim na bilangguan, sa ilalim
ng lupa, sa butas-butas na dampa, sa tanggapan ng pantas, sa
lungga, sa tangkay ng isang bulaklak, sa nguso ng isang kulisap,
sa lalong maliit na butas na pinagpipitaganan ng mga atomo,
lahat-lahat ay kinaroroonan ng hangin; lahat ay pag-aari at palasyo ng hangin, kumikilos o nakatigil, dalisay, kasiya-siya o hindi.
Sa daigdig ng mga kaisipan ay may isang hanging pumupuno rin
sa lahat, at sa loob nito'y nagsasalimbayan ang tanang mga bagay na nililiha ng Diyos; iya'y ang damdamin ng kagandahan.
Iya'y dalisay at makalangit sa pagkakadiit sa tulain at sa walang hanggan, gaya ng hangin sa mga dagat at mga gubat; iyon
ay hindi dalisay at nakapipinsala sa mga lipunang hamak at sumama ang asal gaya ng hangin sa mga lubak at mga pusalian;
nakabibighani, nakapag-uudyok at nakababagbag sa mga sandali ng
pagkislap at pagyugyog, gaya ng hangin sa malalakas na sigwa;
gaya ng hanging marumi kapag humihilahod sa lupa, datapuwa't
malinis at nanganganinag kapag pumapailanlang sa langit. Iyan
ang buhay ng mga kaisipan, panghalinang nakalilibid sa mga layon ng pang-unawa at ng puso at siyang bumubuo ng kanyang pananaw at ng iba't-ibang uring maririkit; nagkaloob ng liwanag,
ng liwanag na hindi nakasisilaw sa kaluluwa, ng mga tunog ng
tugtuging hindi nawawala sa tono, at siyang tagapagsaysay ng
wikang lalong dakila at lalong laganap na sinasalita ng mga talining at ng mga pusong maramdamin. Lumilikha ng kariktan,
humuhula sa kaselanan; sa kadakilaa'y pumupuri at umaawit ng
mga imno, at sa landas ng buhay, sa kasawiang palad ay siyang
tanging halamang nagbibigay ng mga bulaklak na walang katinik-tinik.
Ang unang nakamalas ng di pagkakapantay-pantay at pagkakaiba-iba ng kapalaran ng mga tao ay nagkaloob sa kanila ng matamis na damdaming ito, upang kung sila'y nahahapo na sa pakikipagbaka sa lupa ay makapailanlang na kasama niyon sa ibang danay at sa ganito'y maibsan ng hirap: iyon ay isang bulaklak na inaalagaan ng bilanggo sa mga kuwentong Indiyo. Iyan ay nauunawaan din ng tao, kaya kanya ring nilinang.
Sinabi na nating iyo'y pumupuno sa kaibuturan ng kaluluwa at siyang tunay. Tila buhat doon ay ibig tumakas kaya nga sumasama sa lahat ng kanyang nilikha at sa tanang pagpapahayag ng kaluluwa. Marahil, sa biglang malas ito'y aakalaing hindi tumpak, datapuwa't hindi ang dili tumpak sa paano mang paraan kung wawariing mabuti. Maliligaw tayo marahil ng landas, hindi magkakatugon ang ating mga palagay, datapuwa't tiyak na uusigin
33