Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/24

From Wikisource
This page has been proofread.


ding liwanag na tatanglaw sa lahat ng daigdig; mabuhay ka! Ipagpuri ang iyong pangalan, magandang liwanag, na sa paligid-ligid mo'y magsisiligid na lahat sa darating na panahon ang libong katalinuhan, tagahangang lahat ng iyong kaluwalhatian, Mabuhay, dakilang nilalang ng kamay ng Makapangyarihan, kapurihan ng mga ESPANYA, pinakamagandang bulaklak na nakaliligid sa aking noo, pinagpupugayan kita. Mapagdidilim mo ang mga tagumpay ng matandang panahon; ang iyong pangalan na nakasulat ng letrang ginto sa dambana ng walang hanggan ay makapagbibigay ng panggigipuspos at pagkawalang pag-asa sa ibang mga talino! kalakilakihang makapangyarihan, sa iyo ay walang tatalo! Sa gitna ng iyong dantaon ay nakatayo kang parang isang bantayog, ang lahat ng paningin ay sa iyo titimo. Ang makapangyarihan mong bisig ang tatalo sa iyong mga kalaban, na makakatulad ng isang mapamugnaw na sunog na tumutupok sa mga tuyong ginikan. Yumao kayo, masalamisim na mga Paraluman, pumupol kayo ng mababangong dahon ng laurel at bulaklak ng magaganda at mapupulang rosas, upang sa karangalan ni CERVANTES ay makagawa kayo ng mga koronang walang paglipas.

Si PAN31 at kayong mga SILENOS, 32 PAUNOS 33 at masasayang SATIROS, 34 ay magsipagsayaw kayo sa ibabaw ng malilim na mga kagubatan, samantalang ang mga NEREIDAS,35 ang mga NAYADES, 36 ang maingay na ONDINAS, 37 at ang mga mapaglarong NIMPA,38 na nagsasabog ng mababangong bulaklak, ay magpapaganda sa pamamagitan ng kanilang mga awit ng pangungulila ng mga karagatan, ng mga malalaking


31 Si Pan ay isang makapangyarihang diyus-diyusan ng mga pagano, na may kinalaman sa buhay at sa ikabubuhay.

32 Ang mga Silenos ay mga pangalawang diyus-diyusan sa gubat o sa mga gubat at bukirin.

33 Ang mga Paunos ay mga diyus-diyusan ding mahaharot at maibigin sa mga babae.

34 Satiros (satiro lamang kung iisa) ay mapanghabol ng mga babae sa gubat at sa mga ilang. Ang karaniwan, gaya rin ng mga Pauno, magmula sa baywang hanggang sa mga paa ay katulad ng sa kambing pati mga kuko. May mga balbas at may sungay.

35 Adg mga Nereidas (o nereida) ay mga ipinalalagay na mga babaing singaw sa mga katubigan, sa mga dagat-dagatan, sa mga lawa at iba pa.

36 Ang Nayades ay mga babaing singaw rin sa mga tubigan.

37 Ang mga Ondinas ay mga babaing namumuhay rin at naglalaro at nagsasayaw sa mga tubigan.

38 Ang Nimpas (Ninfas) ay mga magagandang babaing tagagubat, nagsasayaw at naglalarong parang mga bata sa kabukiran, sa mga bulaos, sa mga palanas at iba pa. Nagkokorona sila ng mga mababangong bulaklak.

15