Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/206

From Wikisource
This page has been validated.



Corcuera ay totoong napakaingat sa mga karapatan niya sa pagka gubernador at ito'y maaaring ikagalit niya; ilagay ninyong (ipinamamanhik) ko sa inyo; gayon din ang sinasabi ko tungkol sa mga pagbabala sa dakong huli.

—Nguni't kung hindi kayo magbabala, ay magiging walang katuturan — ang kiming sagot.

—Opo, Kagalang-galang na Ginoo, datapuwa't kapag kayo'y nakakaharap ng isang kaasalang katulad ng sa Gubernador ay hindi
nararapat magmatamis ng pangungusap; kapag ang pinupukpok ay bakal ay ginagamitan ng martilyo at apoy.

Ang mabait na arsobispo'y yumuko at sumagot:

—Mabuti, datapuwa't kaltasin ninyo iyong bilang arsobispo. Samantalang sinisipi nang matamis ng Probisor ang sulat, ay sinabi ng Probinsiyal sa arsobispo upang maaliw ito:

—Makikita ng inyong Kadakilaan kung ano ang ibubunga ng sulat sa Gubernador, makikita ninyo kung paano mapapawi ang kanyang mga usok.

At kumindat na taglay ang masamang hangad.

Nang matapos at malagdaan ang sulat ay tinawag ang pinakatuso sa mga utusan upang siyang magbigay ng sulat sa Gobernador, at upang pakiramdaman kung ano ang ibubunga sa kanya ng nasabing sulat.

Nangako ang utusang gagawin ang gayon.12
_______

12 Sa malas, ang kasaysayang ito'y hindi tapos. Alin sa dalawa: o ang orihinal na pinagsipian ay sadyang kulang o kaya'y nawala. At maaari rin namang hindi tinapos o natapos ni Dr. Rizal sanhi sa anumang kadahilanan.

197