Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/141

From Wikisource
This page has been proofread.

— Hala, ano ang ipinapayo mo sa akin upang mailagay sa kaayusan ang Maynila? — ang dugtong ng Ama sa isang matamis na tinig nang makitang si Andres ay nauumid.

Napangiwi si San Andres nang marinig ang mga salitang kaayusan at Maynila at tinawagan ang lahat ng mga santo.

— Hala, magsalita ka! ano ang iyong ipinapayo?

— Ako, Panginoon, ako, wala, talagang wala! — sa wakas ay nasabi ng ‘Apostoles — wala akong pakialam sa bansang iyan, ayokong makitungo sa mga taong iyan, ako’y isang santong mahilig sa katahimikan at bahagya nang magsalita, isa pa’y hindi ako nakauunawa ng mga kasulatan. Pabayaan nila ako sa kapayapaan, napiakarami nang sama ng loob ang ibinigay nila sa akin!

— Nguni’t, hindi ba ikaw ang pintakasi ng Maynila?

— Hindi po, hindi. .. hindi... Ama...opo... Ama, ang ibig kong sabihi’y . . . opo. . . nguni’t hindi po. . . hindi « Binds. ig ve

— Nguni’t, tao ka nga pala, magpaliwanag ka.

Hinaplos ni San Andres ang kanyang batok, pinaypayan ang sarili ng laylayan ng kanyang balabal sa dahilang nararamdaman niyang siya’y nasa kagipitan gaya noong siya’y ipako sa krus; at matapos makagawa ng isang pagpupumilit ay nakapagsabi rin sa wakas:

— Tingnan ninyo Maharlikang Kadiyusan, ako’y walang kasalanan, Ang kasaysaya’y ito. Maraming taon pagkatapos na masakop ng mga kastila ang mga pulong iyon ay dumating doon ang maraming insik na nagtangka ring sumakop sa mga nasabing pulo. Doo’y naglabanan sila, nagpatayan at ako’y hindi nakialam sa anumang bagay; paano ko po ba magagawa iyon? Datapuwa’t ang mga nanalo, upang papagtibayin ang kanilang pananakop ay nagkunwang palitawing tumpak ang kanilang ginawa at ako’y isinangkot at iniukol sa aking panghihimasok ang kanilang pananalo; iligtas nawa ako ng Diyos! dahil daw sa ang paglalaban ay nangyayari sa aking kaarawan, na para bang ako’y may kinalaman sa lahat ng bagay na ginagawa sa araw na iyon. Neguni’t ang lalong kakatwa sa pangyayari’y hindi ko naman kaarawan iyon,

132