— Uy, uy! — ani Gabriel, at hindi lamang ang mga papa, na sa anu’t anoma’y nagpapahalaga at nag-aangkin ng kapitapitagang anyo, kundi pati ng kahuli-hulihang prayle, ang kahuli-hulihang unggoy, gaya ng sinasabi namin sa Maynila, ay nangangahas na mag-utos sa inyo, at kayo’y ginagawa nilang parang isang tagaganap ng mga nais nila, Uy, uy, uy!
— Hesus, Maria, sus Maria! iyan ba’y maaaring mangyari?
— ang sigaw ng Amang sabay sa pagtukop ng dalawang kamay sa
ulo; — o tempora! o mores! “O mga panahon, O mga kaugalian!”
. . Datapuwa’t magpatuloy ka, magpatuloy ka: sinasabi mong hinati niya sa mga kastila’t mga portuges ang lupa.. .
— Ang mga pulong natatanaw ng Inyong Maharlikang Kadiyusan ay naukol sa Portugal.
— Hindi po, Panginoon, bagkus pa nga’y kabaligtaran ang nangyari. Isang portuges na may mga kaibigan sa Espanya, ang siyang sumakop niyaon para sa mga kastila .
— Isang portuges, ang wika mo? Samakatuwid ba’y gumawa siya ng isang pagkakanulo sa kanyang inang-bayan? Hindi kita maunawaan.
— Siyanga po, Ama, siya’y nagtaksil sa kanyang inang-bayan, nguni’t siya’y nagdahilan sa pagsasabing ang hari niya’y ayaw magdagdag ng upa sa kanya.
— At sa dahilang iya’y nagtaksil siya sa kanyang hari’t inang-bayan? Ano ang ginawa pagkatapos sa taong iyon?
— Sa karangalan niya’y nagtayo ng isang bantayog sa Pilipinas at isang lansangan ang bininyagan ng katulad ng kanyang ngalan,(2) gaya rin ng ginawa kay Alejandro VI.
— Isa pa! Ito ba’y dahil sa doo’y pinararangalan ang lahat ng mga pilyo?
Tiniklop ng arkanghel Gabriel ang kanyang pakpak, — Alamin ninyong ako’y wala nang templo roon, — ang bulong niya.
2 Tinutukoy si Magallanes, na nagkaroon ng isang daang may pangalan niya sa. Intramuros, at ng isang bantayog sa Paseo de Magallanes, sa likuran ng Intendencia na kinadoroonan ngayon ng “Central Bank". Hindi. malaman kung saan naroon ngayon ang bantayog na ito.
129