Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/77

From Wikisource
This page has been validated.


— 72 —


sila'y pagpakitaan ng mabuting-loob ng ginoong ito Ang mga calacal ng lupaing ay pagkit na dilaw, sinulid, perlas, susô, (6 sigay marahil). mga bunga ng cahoy at cáyong yuta (na marahil ay sinamay ó huse ó pinya). ang calacal ng mga insic ay porcelana, ginto, tinga mga basong sarisaring culay, cawaling bacal at mga carayom."

Ang paraan namam di umano, ng pangangalacal ng mga insic dito, anáng ibang mga mananalaysay ay tinatambol ang canilang gongs pagdating upang malaman ng mga tagarito na may sasacyan ng calacal na dumating at agad naman sumasalubong ang mga tagarito na sumasacay sa canilang mga munting bangca.

Bucod sa pangabangit na lupaing ay nangalacal rin dito marahil ang mga taga iba't ibang lupain sa Asia, sapagca't noong siglong ica labing pito, ani P. Delgado, ay nakikipagcalacalan rito ang mga tagá Malabar, taga Koromandel, taga Bengala, taga Kambodhe, at marami pa.

Balican co uli ang mga calacal ay di dapat ligtaan ang calacal na alipin na di umano'y dito napagkikilala ang yaman ng mga tagarito na gaya rin marahil noong panahon nina Abraham, na ang may pinacamaraming alipin ay siyang pinacamayaman. Ang pinacamalaking pamilihan sa calacal na ito ayon sa mga casaysayan ay sa Butuan, (Mindanaw,) na doon nagdadalá ang mga